Si Brenda Mae Tarpley, mas nakikilala bilang Brenda Lee (ipinanganak noong Disyembre 11, 1944), ay isang Amerikanang manananghal na umawit ng musikang rockabilly, pop at country, at nagkaroon ng 37 mga pagpatok sa talahanayang pangmusika ng Estados Unidos noong dekada ng 1960, isang bilang na nalampasan lamang ni Elvis Presley, ng The Beatles, ni Ray Charles at ni Connie Francis.[1] Pinaka nakikilala siya dahil sa kaniyang patok na musika noong 1960 na pinamagatang "I'm Sorry", at ang awit na "Rockin' Around the Christmas Tree" noong dekada ng 1958, na isang pamantayang musika na pamasko sa Estados Unidos sa loob ng mahigit sa 50 mga taon.

Sa taas na 4 ft 9 mga pulgada, nakatanggap siya ng bansag na Little Miss Dynamite (Maliit na Binibining Dinamita) noong 1957 pagkaraang irekord ang awiting "Dynamite"; at siya ang isa sa pinakamaagang mga bituin ng musikang popular na nagkaroon ng isang pangunahing mga tagapagtangkilik na kontemporaryo at pandaigdigan.

Humupa ang katanyagan ni Lee noong kahulihan ng dekada ng 1960 nang gumulang na ang kaniyang tinig, subalit nagpatuloy siya sa pagkakaroon ng matagumpay na karera sa pagrerekord ng musika sa pamamagitan ng pagbabalik niya sa kaniyang pinag-ugatan bilang isang manganganta ng musikang country na mayroong isang kahabaan ng mga patok ng mga awitin magmula sa dekada ng 1970 magpahanggang sa dekada ng 1980. Isa siyang kasapi sa mga Bulwagan ng Katanyagan ng Rock and Roll, Country Music at Rockabilly Halls of Fame. Kasalukuyang naninirahan si Lee sa Nashville, Tennessee.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Brenda Lee: the Lady, the Legend". Brenda Lee Productions. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-14. Nakuha noong 2009-04-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)