Rockin' Around the Christmas Tree

Ang "Rockin' Around the Christmas Tree" (Ang Pagsasayaw na Yumuyugyog sa Paligid ng Punong Pamasko) ay isang awiting Pamasko na isinulat ni Johnny Marks at inirekord ni Brenda Lee noong 1958 na nasa ilalim ng tatak na Decca 9-30776.

Kabatiran

baguhin

Sa kabila ng kaniyang tinig na tila nasa wastong edad, inirekord ni Lee ang awit na ito noong siya ay 13 gulang pa lamang. Sa kabila ng pamagat ng awitin, ang instrumentasyon nito ay angkop pa rin sa henero ng musikang pangnayon, na ganap na niyakap ni Lee habang umuunlad ang kaniyang karerang pangmusika. Tinatampok ng rekord ang kumikiriring na gitara ni Hank Garland at ang naging sanhi ng katanyagan ni Boots Randolph dahil sa maimbay na solong pagtugtog ng saksopon.

Ang bersiyong instrumental ng awitin ay lumitaw bilang isang tugtuging panlikuran sa natatanging palabas na pantelebisyong Rudolph the Red-Nosed Reindeer noong 1964 na ikinatatanging nagtampok ng musikang isinulat ni Marks. Maririnig ito sa eksena kung saan unang dumating si Rudolph sa Palarong Pang-usang Reno at nakatagpo ng isa pang usang reno na may pangalang Fireball. Ang awitin ay ginamit din sa pelikulang Home Alone noong 1990 para sa eksena noong magpanggap si Kevin McAlister na mayroon nang isang nagaganap na pagdiriwang na pangkapistahan sa kaniyang bahay, na nakapagpadesmaya sa mga magnanakaw na nakawan ang tahanan.

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.