Magkapatid na Grimm
- Tungkol ito sa mga nobelista, para sa mga tauhan sa komiks hanapin ang Brothers Grimm (komiks).
Ang Magkapatid na Grim (Ingles: Brothers Grimm; Aleman: Die Brüder Grimm o Aleman: Die Gebrüder Grimm), sina Jacob o binabaybay ding Jakob (4 Enero 1785 - 20 Setyembre 1863) at Wilhelm Grimm (24 Pebrero 1786 - 16 Disyembre 1859), ay magkapatid na lalaking mga Alemang akademikong higit na kilala sa kanilang paglalathala ng mga kalipunan ng mga kuwentong-bayan at mga kuwentong bibit[1] at para sa kanilang mga nagawa sa lingguwistika, kaugnay ng kung paano nagbabago ang mga tunog ng mga salita sa paglipas ng panahon, na kilala bilang batas nina Grimm.
Magkapatid na Grimm | |
---|---|
Kabilang sila sa pinaka kilalang mga mananalaysay ng mga maiigsing mga nobela o novella (mas mahaba kaysa nobelita at mas maiksi kaysa nobela) mula sa Europa, na nagpahintulot sa malawakang paglaganap ng kaalaman ukol sa salaysaying tulad ng Rumpelstiltskin, Snow White, Natutulog na Kagandahan, Rapunzel, Cinderella, Hansel at Gretel, at Ang Palakang Prinsipe.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.