Bulubunduking Rocky
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Bulubunduking Rocky (Ingles: Rocky Mountains - bigkas: /ra·ki mown·tens/) o kadalasang tinatawag na Rockies (literal na salin: Kabundukang Mabato) ay isang pangunahing kabundukan na bumabagtas sa kanluran ng Hilagang Amerika. Umaabot ang kabundukan ng higit sa 4,800 kilometro mula sa pinakahilagang bahagi ng British Columbia sa Canada hanggang sa New Mexico, sa Estados Unidos. Ang Bundok Elbert sa Colorado ang pinakamataas na bundok na matatagpuan dito at ito ay may taas na 14,440 talampakan (4,401 metro) sa ibabaw ng antas ng dagat. Bagaman bahagi ng Pasipikong Cordillera ng Hilagang Amerika, naiiba ang bulubundukin sa Bulbundukin sa Baybaying Pasipiko, na matatagpuan malapit sa Karagatang Pasipiko.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.