Bulwagang Memoryal ni Chiang Kai-shek

Ang Pambansang Bulwagang Memoryal ni Chiang Kai-shek (Tsino: 國立中正紀念堂) ay isang tanyag na pambansang bantayog, muhon at pang-atraksyon sa mga turista na itinayo sa alaala ni Heneralisimo Chiang Kai-shek, dating Pangulo ng Republika ng Tsina. Matatagpuan ito sa Taipei.

Pambansang Bulwagang Memoryal ni Chiang Kai-shek
國立中正紀念堂
Mga koordinado25°2′4″N 121°31′18″E / 25.03444°N 121.52167°E / 25.03444; 121.52167
KinaroroonanTaipei, Taiwan
NagdisenyoYang Cho-cheng
UriMemoryal
MateryalKonkreto at marmol
Taas76 m (249 tal)
Sinimulan noongOktubre 31, 1976
Natápos noongAbril 5, 1980
Inihandog kayChiang Kai-shek
Websitecksmh.gov.tw (sa Tsino)
cksmh.gov.tw/en (sa Ingles)
Pambansang Bulwagang Memoryal ni Chiang Kai-shek
Tradisyunal na Tsino國立中正紀念堂
Pinapayak na Tsino国立中正纪念堂

Nakatayo ang monumento, na pinapaligiran ng isang parke, sa silangang dulo ng Liwasan ng Bulwagang Memoryal. Nasa gilid nito sa hilaga at timog ang Pambansang Teatro at Bulwagang Konsyerto.[1]

Deskipsyon

baguhin

Puti ang Bulwagang Memoryal na may apat na gilid. Bughaw at oktagonal ang bubong. Nangangahulugan ang oktagonal bilang isang hugis na may walong sulok, na kinukuha sa simbolismo ng numero walo, isang bilang na naiiuugnay sa kasaganaan at magandang kapalaran ayon sa tradisyong Tsino. Papunta ang dalawang puting hagdan, na may 89 hakbang na kinakatawan ang edad ni Chiang noong namatay siya, sa pangunahing pasukan. May aklatan sa ibabang palapag ng memoryal at may isang museo na dinodokumento ang buhay at karera ni Chiang Kai-shek, kasama ang mga eksibit na dinidetalye ang kasaysayan at pag-unlad ng Taiwan. Nasa itaas na palapag ang pangunahing bulwagan, kung saan naroon ang malaking bantayog ni Chiang Kai-shek, at kung saan regular na nagaganap ang isang seremonya ng pagpapalitan ng guwardiya o bantay.

Pagbuo

baguhin
Talaksan:Chiang Kai-shek Memorial Hall Wide.jpg
Bantayog ni Chiang Kai-shek sa pangunahing silid ng Bulwagang Memoryal
 
Ang mga Guwardiya de Onor ng Sandatahang Lakas ng Republika ng Tsina na nagtatanghal

Pagkatapos mamatay ni Pangulong Chiang Kai-shek noong Abril 5, 1975, itinatag ng sangay tagapagpaganap ng pamahalaan ang isang Komite ng Paglilibing upang magtayo ng isang memoryal. Napili ang disenyo ni arkitekto Yang Cho-cheng sa pamamagitan ng isang paligsahan. Sinama ni Yang sa kanyang disenyo ang maraming elemento ng tradisyunal na arkitekturang Tsino upang salaminin ang Musoleo ni Sun Yat-sen sa Nanjing sa kalupaang Tsina. (Nirespeto ng Kuomintang o KMT si Dr. Sun bilang tagapagtatag ng partido at ng pamahalaan na pinamunuan ni Chiang.) Naganap ang groundbreaking o pagpasinaya ng memoryal noong Oktubre 31, 1976, ang ika-90 anibersaryo ng kapanganakan ni Chiang. Opisyal na nagbukas ang bulwagan noong Abril 5, 1980, ang ikalimang anibersaryo ng pagkamatay ng pinuno.

Sa disenyo ni Yang, nailagay ang pangunahing gusali sa silangang dulo ng Liwasang Memoryal ni Chiang Kai-shek (中正紀念公園), na sinasakop ang higit sa 240,000 metro kuwadrado (290,000 yarda kuwadrado) sa Distrito ng Zhongzheng. Matatagpuan naman ang pangunahing tarangkahan, ang Tarangkahan ng Dakilang Sentralidad at Perpektong Pagkatuwid (大中至正) sa kanlurang dulo sa Daang Timog ng Chung Shan, kasama ang Tarangkahan ng Dakilang Katapatan (大忠門) na nakatayo sa hilagang banda sa Daang Hsin Yi (Xinyi) at Tarangkahan ng Dakilang Kabanalan (大孝門) na nakatayo sa timog na bahagi sa Daang Silangan ng Ai Kuo (Aiguo). Nakakonekta ang isang Bulebar ng Pagpupugay, na napapaligiran ng minanikyur na palumpong, sa pangunahing bulwagan ng liwasan.

Kasunod na kasaysayan

baguhin

Nang nagbukas ang liwasan, ito ay naging isang lugar para sa malakihang pagtitipon sa Taipei. Nagkaroon ng bagong kahulugan sa publiko ang katangian ng mga pagtitipon na ito. Naging sentro ang bulwagan at liwasan ng mga kaganapan noong dekada 1980 at unang bahagi ng dekada 1990 na naghatid sa Taiwan sa panahon ng makabagong demokrasya. Sa lahat ng mga demonstrasyon na panig sa demokrasya na naganap sa liwasan, ang mga rali ng mga kilusang mag-aaral na tinatawag ng "Wild Lily" noong 1990 ang pinakamaimpluwensiya. Nagbigay ang kilusan ng sigla para sa mga repormang nakakaapekto sa maraming tao na ginawa ni Pangulo Lee Teng-hui. Humantong ito sa unang popular na halalan ng mga pambansang pinuno noong 1996.

Nagdulot ang kahalagaan ng lugar sa pagsulong ng demokrasya sa Taiwan sa muling paghahandog sa liwasan bilang Liwasan ng Kalayaan ni Pangulong Chen Shui-bian noong 2007.[2] Napalitan din ang pangalan ng Bulwagang Memoryal bilang paghahandog sa demokrasya. Sinalungat ang pagpapalit na ito ng mga opisyal ng Kuomintang. Muling naibalik ang orihinal na dedikasyon kay Chiang sa bulwagan ni Pangulong Ma Ying-jeou, habang pinagtibay ang pangalang Liwasan ng Kalayaan ng mga iba't ibang partido.[3]

Noong 2017, sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng Insidente noong Pebrero 28 at ang ika-30 anibersaryo ng pagtanggal sa batas militar, ipinahayag ng Ministeryo ng Kultura ng Taiwan ang mga plano ng baguhin ang bulwagan sa isang pambansang sentro para sa "pagharap sa kasaysayan, pagkilala sa paghihirap, at pagrespeto sa karapatang pantao.” Naanyayahan ang mga iskolar at eksperto upang buuin ang isang pangkat ng tagapayo na tutulong sa pagplano ng pagbabagong-anyo ng bulwagan.[1] Nagsimula ang pag-uusap sa publiko ng pagbabago noong sumunod na taon sa mga porum na ginanap sa buong Taiwan.[4]

Idineklera ng inskipsyong Tsino sa pangunahing tarangkahan ang liwasan bilang Liwasan ng Kalayaan. Inaalala ng kaligrapyang istilo ang gawa ni Wang Xizhi sa Dinastiya ng Silangang Jin. Kilala ang istilo para sa diwa nito ng sigla, kilos at kalayaan. Nakalagay ang mga karakter sa inskripsyon sa pagkakaayos na kaliwa patungong kanan upang sundan ang makabagong kasanayan sa Taiwan. (Naoobserba ang pagkaayos na kanan patunong kaliwa ng tradisyong Tsino sa lugar hanggan noon.)[5]

Noong 2018, sinalakay ng mga panig sa kalayaan na mga aktibistang mag-aaral ang bulwagan at naghagis ng mga pintura sa bantayog ni Chiang Kai-Shek, dalawa sa kanila ang naaresto at nagbayad ng NT$2000 bilang parusa.[6][7]

Noong 2019, naging punong-abala ang Bulwagang Memoryal ni Chiang Kai-shek para sa isang eksibisyon ng Tsinong alagad ng sining na si Ling Feng (靈峰). Ang 88 gawa na tinanghal ay mahigpit na kritikal sa Partido Komunista ng Tsina at awtoritaryanismo sa pangkalahatan.[8]

Isang tanawin ng Liwasan ng Kalayaan, kasama ang Pambansang Bulwagang Konsiyerto (kaliwa) at ang Pambansang Teatro (kanan)

Pagsensura ng mapa

baguhin

Ang Baidu Maps, isang serbisyo na nagbibigay ng mga online na mapa at nagbibigay din ng komprehensibong saklaw ng Taiwan (kabilang ang mga muhon), ay tinanggihan ang pagmarka sa Bulwagang Memoryal ni Chiang Kai-shek Memorial (ang estasyon ng subway ay hindi apektado). [9]

Galerya

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Transforming CKS Memorial Hall for transitional justice" (sa wikang Ingles). Ministry of Culture Republic of China (Taiwan). Pebrero 24, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 17, 2017. Nakuha noong Setyembre 16, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ko Shu-ling, National Democracy Hall reopens, Taipei Times, 2 Enero 2008 (sa Ingles).
  3. Flora Wang, Chiang Kai-shek plaque to return to memorial hall, Taipei Times, 22 Enero 2009 (sa Ingles).
  4. "Memorial's fate undecided - Taipei Times" (sa wikang Ingles). 7 Setyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. New calligraphy styles decided for Memorial Hall name plaques Naka-arkibo 2016-08-07 sa Wayback Machine., The China Post, 7 Disyembre 2007 (sa Ingles).
  6. Charlier, Phillip (2018-07-20). "CKS Statue Splashed with Red Paint at CKS Memorial Hall". Taiwan English News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Taiwan protesters pelt paint at famous Chiang Kai-shek statue". The Jakarta Post (sa wikang Ingles). 2018-07-20. Nakuha noong 2021-11-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. Jennifer Lin, Sophia Yang and. "Swan Lake Meets Red Lady Army: Chinese artist's satirical art in Taipei reflects Hong Kong protest". www.taiwannews.com.tw (sa wikang Ingles). Taiwan News. Nakuha noong 21 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Map Tile (sa wikang Ingles), Baidu Maps, nakuha noong Hunyo 19, 2020{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin