Bunia
Ang Bunia ay isang lungsod sa Lalawigan ng Ituri ng Demokratikong Republika ng Congo (DRC) at punong-himpilan ng Ituri Interim Administration. Bahagi ito dati ng Lalawigan ng Orientale hanggang sa pagbuwag ng nasabing lalawigan.[1]
Bunia | |
---|---|
Bunia na tanaw mula sa himpapawid | |
Mga koordinado: 1°34′N 30°15′E / 1.567°N 30.250°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Ituri |
Pamahalaan | |
• Mayor | Marie Louise Uronya Fwanuti |
Lawak | |
• Kabuuan | 57.6 km2 (22.2 milya kuwadrado) |
Taas | 1,277 m (4,190 tal) |
Populasyon (2012) | |
• Kabuuan | 366,126 |
• Kapal | 6,400/km2 (16,000/milya kuwadrado) |
Klima | Aw |
Pambansang wika | Swahili |
Ito ay nasa taas na 1,275 metro sa isang talampas sa layong mga 30 kilometro sa kanluran ng Lawa ng Albert sa Albertine Rift, at mga 25 kilometro silangan ng Kagubatan ng Ituri.
Sentro ang lungsod ng alitang Ituri sa pagitan ng mga liping Lendu at Hema. Noong Ikalawang Digmaang Congo ang lungsod ay tagpo ng maraming labanan at namatay na mga sibilyan mula sa alitang ito at mga kaugnay na alitan sa pagitan ng mga milisya at mga puwersang sinusuportahan ng Uganda. Dahil dito, ang lungsod ay base ng isa sa pinakamalaking mga hukbong nag-iingat-kapayapaan ng Mga Nagkakaisang Bansa sa Aprika, at punong-himpilan nito sa hilaga-silangang DR Congo. Ang likas na kayamanan ng lugar tulad ng mga minahan ng ginto na pinagaawayan ng mga milisya at puwersang banyaga.
Heograpiya
baguhinAng Bundok Hoyo ay nasa 35 kilometro timog-kanluran ng Bunia. Dumadaloy ang Ilog Shari (na iba sa Ilog Shari ng Chad) sa kahabaan ng hilaga-kanlurang dakong-labas ng lungsod. Dumadaloy naman ang Ilog Ituri mga 35 kilometro sa kanluran ng Bunia. Ang tagpuan ng Shari at Ituri ay nasa 45 kilometro timog-timog-kanluran ng Bunia.[2]
Bagamat matatagpuan ang Bunia mga 170 kilometro hilaga ng ekwador, itinampok ang lungsod sa dokumentaryong pampaglalakbay ng BBC television na Equator na isinagawa noong 2006, sapagkat ito ay isa lamang sa mga iilang lugar malapit sa ekwador sa DR Congo kung saang nakasisiguro ang kaligtasan ng TV crew, sa piling malaking hukbong nag-iingat-kapayapaan ng UN.
Klima
baguhinDatos ng klima para sa Bunia | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 29 (85) |
29 (84) |
29 (84) |
28 (83) |
27 (81) |
26 (79) |
26 (78) |
26 (79) |
27 (81) |
27 (81) |
27 (81) |
28 (83) |
28 (82) |
Katamtamang baba °S (°P) | 16 (61) |
17 (62) |
17 (62) |
17 (63) |
17 (63) |
16 (60) |
16 (60) |
15 (59) |
15 (59) |
16 (60) |
15 (59) |
16 (60) |
16 (61) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 140 (5.5) |
173 (6.8) |
239 (9.4) |
269 (10.6) |
318 (12.5) |
267 (10.5) |
310 (12.2) |
394 (15.5) |
244 (9.6) |
274 (10.8) |
300 (12) |
165 (6.5) |
3,096 (121.9) |
Sanggunian: Weatherbase [3] |
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
2009 | 327,837 | — |
2012 | 366,126 | +11.7% |
Pagtataya 2009: [4] |
Edukasyon
baguhinMay mga pamantasan ang Bunia, pinakamalaki rito ang Unibersidad ng Bunia (UNIBU) kasunod ng pampribadong Université Shalom de Bunia (USB), na naglalaman ng pinakamalaking aklatan sa lungsod (na may mga 40,000 tomo).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 2006 constitution
- ↑ Google Earth —measurements and directions checked.
- ↑ "Weatherbase: Historical Weather for Bunia, Democratic Republic of the Congo". Weatherbase. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-06-08. Nakuha noong 24 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Congo (Dem. Rep.): largest cities and towns and statistics of their population". World Gazetteer. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 22, 2011. Nakuha noong Enero 21, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)