Butlig
Ang butlig (Ingles: sebaceous cyst o wen) ay isang uri ng maliit na bukol sa ibabaw ng balat na may lamang taba o sebo.[1] Nabubuo ang bukol na may taba dahil sa pagkaipon ng dumaloy na mga katas ng isang sa mga glandulang may taba (mga sebaceous gland sa Ingles) na nagbubuhos papalabas ng isang malangis na katas sa ibabaw ng balat. Ang sanhi ng pag-ipon ay ang pagkakaroon ng hadlang o bara sa paralanan o daluyan (dukto) kung saan dapat na likas na nilalabasan ng katas.[2]
Pagtubo
baguhinIsang maliit at malambot na pag-umbok ang nabubuo na dahan-dahang lumalaki hanggang sa maging kasinglaki ng mani ng hasel (abelyano, Corylus). Maaari ring mangyari kung minsan ang pagiging mas malaki kaysa sa pangkaraniwang sukat na ito. Nagiging manipis ang balat na nasa ibabaw ng butlig. Madalas ang pamumula ng bahagi ng balat na naaapektuhan. Sa kadalasan, nagkakaroon ng pamamaga, na maaaring masundan ng supurasyon (pagnanana o pagnanaknak), dahil sa iritasyong katulad ng paghimas. Kapag pumutok ang butlig, naiimpeksyon ito at maglalabas ng mabahong katas.[2]
Pinagtutubuan
baguhinMas madalas na nagkakaroon ng ganitong bukol ang mga babae kaysa mga lalaki. Ang pinaka pangkaraniwang pinaglilitawan ng butlig sa katawan ay ang anit, mukha, at likod.[2]
Paggamot
baguhinGinagamot ito sa pamamagitan ng pagbubukas (paghiwa) ng butlig upang matanggal ang mga nilalaman. Pagkaraan ay inaalis ang buong dingding ng bukol.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Wen, butlig - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Robinson, Victor, pat. (1939). "Wen, sebaceous cyst". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 766.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.