Ang bahaging mastoid ng butong temporal ang bumubuo sa bahaging posteryor ng butong temporal (butong nasa o malapit sa sintido ng ulo)[1] Ang butong mastoid, tinatawag ding mastoid lamang, ay isa sa mga butong kabahagi ng butong temporal o ang buto ng bungo na nasa may likuran ng taynga at malapit sa may batok; o ang butong nakalagay sa gilid ng bungo na nasa likod ng taynga.[2][1] Tumutuloy ang butong mastoid pababa upang mabuo ang prosesong mastoid. Maaaring maramdaman ang butong mastoid bilang ang matigas na lugar na kaagad na nasa likuran lamang at nasa ibaba ng taynga.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Mastoid; temporal - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 "Mastoid, mastoid bone". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 579-580.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.