Buwaya! (pelikula ng 1979)
Ang pelikulang Chorakae (Ingles: Crocodile Thai จระเข้ ) at ang literal na salin ng pamagat ay Buwaya! ay isang pelikula sa bansang Thailand sa direksyon ni Sompote Sands na ipinalabas noong 1979 sa Thailand at 1980 sa bansang Estados Unidos at Pilipinas ito ay isang pelikulang may temang science fiction na tungkol ito sa isang higanteng Buwaya na na nabuhay sa pag-papasabog at ng Bomba atomika sa karagatang Pasipiko.[1][2][3]
Crocodile จระเข้ Buwaya! | |
---|---|
Direktor | Sompote Sands |
Prinodyus | Dick Randall Robert Chan |
Itinatampok sina | Nat Puvanai Ni Tien Angela Wells Kirk Warren Robert Chan Nhi Tien Nancy Wong |
Tagapamahagi | Chaiyo Productions |
Inilabas noong |
|
Haba | 100 minutes (Thai version), 92 minutes (International version). |
Bansa | Thailand |
Wika | Thai, English (sa orihinal), at Filipino (ng ipalabas sa Pilipinas) |
Buod
baguhinIsang doktor na nag nganagalang Tony Akom at John Stronn ay masaya sa kanilang buhay may-asawa subalit si Tony pa lamang ang mayroong anak sa kanila na nag ngangalang si Anne (Angela Wells) unika iha ni Tony, subalit nawawalan sila ng oras kanilang mga pamilya dahil laging abala sa kanilang trabaho, kaya naisipan nilag magbakasyon at tumungo sa Phuket upang mag-outing, subalit habang nasa dagat ang mga asawa ni Tony at John pati ang anak ni Tony na si Anne ay misteryosong may humila sa kanila sa tubig ng makuha ang mga labi ng tatlo ay tumungo sa morge si Tony upang suriin ang mga bangkay ng kanyang mag-ina sila ay nilamon ng isang malaking hayop at ang pangyayaring ito ay kumalat sa media. habang ang higanteng buwaya ay sumalakay sa Bangkok at sinira ang mga kubo na na sagilid ng ilog maraming turista at residente ang nasawi. kaya gumawa ng aksyon ang awtoridad sa para mahuli ang higanteng buwaya, nag lagay sila ng ibat ibang patibong tulad ng higanteng silo nahuli nila ang buwaya na napabitin sa puno ng niyog. subalit hindi ito ang higanteng buwaya na sumira sa mga bahay dahil ito ay nasa dagat at nakatakas sa isang higanteng silong katulad sa bear trap na nakalapag sa ilalim ng dagat.[4]
Matagal ng sinusubaybayan nila Tony at John ang higanteng buwayang pumatay sa kanilang pamilya at ng malaman nilang sa dagat ito nag lalagi ay agad silang humingi ng tulong sa kanilang kaibigang isang magigisda na si Tanaka (Krik Warren) na nag-mamalaki sa kanyang agilang tatoo na "pang taboy daw ng masamang elemento " upang sila ay paupahan ng bangka at mga kakailanganin sa pag-huli at pag-patay sa higanteng buwaya tulad ng Harpoon gun isang light machinegun at isang kahong dinamamita at mga fuse nito. maghapon nilang sinuyod ang karagatan upang mahanap ang buwaya at sinamahan sila ng isang photograper na nag ngangalkang peter upang ikober ang kanilang paghuli dito. subalit ng gabi ay umatake ang hiagnteng buwaya at sinira ang kanilang bangka at kinain ang dalwa sa pahinante nito kabilang na si John (Min Oo) na kaibigan ni Tony. tanging si Tony at ang photographer na si peter na lamang ang natira sa lumulubog na barko at lumagoy si Peter (Robert Chan) upang ihagis sa bunganga ng buwaya ang dinamita at ito ay sumabog, nawasak ang buwaya sa malakas na pag sabog kasama na ang kanilang bangka sa tagpong iyon ay maaring napatay si Tony at sa malakas na pagsabog.[5]
Mga bersyon ng Pelikula
baguhin- international version produced by Dick Randall ay mahaba ang eksena sa malakas na bagyong sumira sa isang nayon at pag kinain sa mga kalabaw sa unang tagpo ng pelikula at idinagdag ang isang babaeng kinain ng buwaya habang lumalangoy sa dagat.
Kontrobersiya
baguhin- Ang pelikulang ito ay umani ng kontrobersyal na komento mula sa American Humane Association dahil sa isang eksena ng pag katay sa totoong buwaya.
Mga pagkakamali sa pelikula
baguhin- Dahil sa kinuha sa ibat-ibang pelikula ang ilang mga eksena (na gawa din ng Chaiyo Pictures ang mga ito), Ang sukat at laki ng buwaya ay nag iiba iba mula sa maliit na kasya ang isang unggoy at itik sa bunganga ng buwaya sa eksena hanggang sa Pinakamalaking sumira sa isang village.
- Sa bersyong Ingles ay hinati sa dalwang bahagi ang eksneang pag salakay ng buwaya sa ilog at ang paguusap sila Tony at John Stronn at ang lalaking may tatong agila sa pelikula.
- Tagilid ang framing ng ilang eksena sa pelikula lalo sa paterte ng eksena sa dagat kung nasaan nag papanggap na nalulunod ang asawa ni Tony at ang pag uusap nila Min at Tony sa isang eksna , madilim ang kabuoan ng eksena dahil sa pinaka gilid sila ng kamera.
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "Crocodile:Overview". movies.msn.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Pebrero 2014. Nakuha noong 28 Pebrero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Horror Reviews - Crocodile (1980)". oh-the-horror.com. Nakuha noong 28 Pebrero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Thai Folklore movies". thaiworldview.com. Nakuha noong 28 Pebrero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Crocodile (1980)". popcornpictures.co.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2014. Nakuha noong 28 Pebrero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Crocodile (1980)". popcornpictures.co.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2014. Nakuha noong 28 Pebrero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing panlabas
baguhin- http://www.imdb.com/title/tt0377707/ -Chorakae-IMDB