CHKDSK
Ang CHKDSK (pina-ikling check disk) ay isang kagamitan ng sistema na makikita sa DOS, OS/2 at Windows. Sinusuri nito ang file system integrity ng isang volume at inaayos ang mga logical file system errors. Ito ay halos kapareho ng fsck command sa Unix.
Sa operating system na Windows NT, ang CHKDSK ay nakakakita rin ng mga sector na sira at hindi na mabasa o masulatan sa ibabaw ng disk. (Sa MS-DOS 6.x at Windows 9x, ito'y ginagawa ng Microsoft ScanDisk.) Ang bersyon ng Windows Server ng CHKDSK ay RAID-aware at kayang masagip ang mga data sa mga sektor na sira sa pamamagitan ng RAID-1 o RAID-5 array kung ang ibang disks ay maayos pa.
Ang CHKDSK ay maaaring patakbuhin gamit ang DOS prompt, Windows Explorer, Windows Command Prompt o Recovery Console.