Ang Caesio cuning o dalagang bukid ay isang isdang pandagat na may malasapot na palikpik na kasapi ng pamilyang Caesionidae. Katutubo ito sa Karagatang Indiyano at Kanlurang Karagatang Pasipiko.

Caesio cuning
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Actinopterygii
Orden: Perciformes
Pamilya: Caesionidae
Sari: Caesio
Espesye:
C. cuning
Pangalang binomial
Caesio cuning
(Bloch, 1791)
Kasingkahulugan [2]
  • Sparus cuning Bloch, 1791
  • Cichla cuning (Bloch, 1791)
  • Caesio erythrogaster Cuvier, 1830
  • Caesio erythrochilurus Fowler, 1904

Taksonomiya

baguhin

Pormal na isinalarawan ang Caesio cuning noong 1791 billang Sparus cuning ng soologong Aleman na si Marcus Elieser Bloch kasama ang pagbigay na lokalidad ng uri sa Indonesia.[3] Nilagay ang espesye na ito sa subhenerong Odontonectes.[4] Hinango ang espesipikong pangalan na cuning mula sa lokal na pangalang Indonesiyo na ikan Tembra Cuning, na nangangahulugan ang ikan bilang "isda."[5]

Paglalarawan

baguhin

May malalim at siksik na gilid na katawan ang Caesio cuning. May maliit na konikong ngipin ang mga panga, buto sa loob ng ilong, at palatino.[6] May mga kaliskis ang mga palikpik sa likod at pampuwit na palikpik; may sampung tinik ang palikpik sa likod at labing-apat hanggang labing-anim naman, tipikal na labing-lima, na malambot na rayos sa pampuwit na palikpik na mayroong tatlong tinik at sampu hanggang labing-dalawang malambot na rayos. Mayroong 17 hanggang 20 rayos, karaniwang 18 o 19, ang pandibdib na palikpik.[4] Natatamo ng espesye na ito ang pinakamahabang haba na 60 sentimetro (24 pul).[2] Dilaw ang dulong likod, ang palikpik na posteryor at ang ibabaw ng likod ng caudal peduncle. Malaabong bughaw ang natitirang bahagi ng mas mataas na katawan. Malarosas o puti naman ang mas mababang bahagi at tiyan nito. Nasa puti hanggang rosas ang pandibdib at pampuwit na palikpik. May itim ang pandibdib na palikpik sa aksila nito at mas mataas na bahagi ng base nito. Ang pandibdib na palikpik ay malaabong bughaw sa harapan at dilaw sa likuran.[4]

Distribusyon at tirahan

baguhin

Sinasakop ng Caesio cuning ang Indo-Kanlurang Pasipiko. Sinasakop nito mula Sri Lanka at katimugang Indya hanggang sa silangang Fiji, hilaga hanggang katimugang Hapon at timog hanggang hilagang Australya. Matatagpuan ito hanggang sa ilalim na 1 at 60 m (3 tal 3 pul at 196 tal 10 pul).[1] Kadalasang makikita sila sa mga malantik na lugar kung saan mahina ang bisibilidad, kung hindi, makikita sila sa mga katubigan ng baybayin, na tipikal sa ibabaw ng mabatong lugar at bahurang korales.[2]

Biyolohiya

baguhin

Nagtitipon-tipon ang mga dalagang bukid sa mga pangkat sa kalagitnaan ng tubig[2] kung saan nanginginain sila ng mga zooplankton tulad ng salp, doliolid, pteropod, heteropod, chaetognath, bukod sa iba pang zooplankton.[1] Isang espesye ito na nangingitlog at nakakagawa ng malaking bilang na maliliit na itlog na pelahiko.[2]

Mga pagpapalaisdaan

baguhin

Katamtamang mahalagang target para pangingisdang pambaybayin ang dalagang bukid. Karaniwan ito sa mga pamilihan sa Indonesia at Pilipinas. Nahuhuli sila gamit ng mga lambat, patibong, pamamalakaya at bingwit. Karaniwang binebenta ang nahuhuling isda bilang sariwang isda subalit may ilan na nahuhuli na prinepreseba bilang isdang pinaalat. Hinuhuli ang mga batang isda upang gamitin bilang pain sa paghuli ng tuna.[4] Humina ang populasyon sa ilang lugar dahil sa labis na pangingisda subalit may ibang lugar na matatag ang populasyon.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Carpenter, K.E.; Russell, B.; Myers, R. (2016). "Caesio cuning". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2016: e.T20249232A65926995. doi:10.2305/IUCN.UK.2016-3.RLTS.T20249232A65926995.en.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2021). "Caesio cuning" sa FishBase. Bersyong Pebrero 2021 (sa Ingles).
  3. Eschmeyer, William N.; Fricke, Ron; van der Laan, Richard (mga pat.). "Species in the genus Caesio". Catalog of Fishes (sa wikang Ingles). California Academy of Sciences. Nakuha noong 5 Hulyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Kent E. Carpenter (1988). FAO Species Catalogue Volume 8 Fusilier Fishes of the World (PDF) (sa wikang Ingles). FAO Rome. pp. 42–44.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Christopher Scharpf; Kenneth J. Lazara, mga pat. (5 Enero 2021). "Order LUTJANIFORMES: Families HAEMULIDAE and LUTJANIDAE". The ETYFish Project Fish Name Etymology Database (sa wikang Ingles). Christopher Scharpf at Kenneth J. Lazara. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Abril 2021. Nakuha noong 5 Hulyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. K.E. Carpenter (2001). "Caesionidae". Sa Carpenter, K.E.; Volker H. Neim (mga pat.). The Living Marine Resources of the Western Central Pacific Volume 5: Bony fishes part 3 (Menidae to Pomacentridae) (PDF). FAO Species Identification Guide for Fishery Purposes (sa wikang Ingles). FAO Rome. p. 2927.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)