Lumbang

espesye ng puno sa pamilyang Euphorbiaceae
(Idinirekta mula sa Candlenut)

Ang lumbang (aleurites moluccanus), ay isang punong namumulaklak sa pamilyang spurge, Euphorbiaceae. Kilala rin ito bilang candlenut, candleberry, Indian walnut, kemiri, varnish tree, nuez de la India, buah keras, godou, kukui nut tree, at rata kekuna.

Lumbang
Mga dahon, bulaklak, at nuwes ng lumbang
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Malpighiales
Pamilya: Euphorbiaceae
Sari: Aleurites
Espesye:
A. moluccanus
Pangalang binomial
Aleurites moluccanus
Kasingkahulugan

Aleurites javanicus Gand.
Aleurites moluccana[3]
Aleurites pentaphyllus Wall. ex Langeron
Aleurites remyi Sherff
Aleurites trilobus J.R.Forst. & G.Forst.
Jatropha moluccana L.[4]

Paglalarawan

baguhin

Lumalaki sa taas na mga 30 m (98 tal) ang lumbang, na may mga unat na unat o nakalawit na sanga. Ang mga dahon ay maputlang berde, simple, at hugis-itlog o hugis-puso sa mga magulang na sanga, ngunit maaaring tatlo, lima, o pito ang umbok sa mga suwi.[5] Hanggang 20 cm (7.9 pul) ang haba nito at hanggang 13 cm (5.1 pul) ang haba nito. Nakabalot ang mga batang dahon sa mga mabituing balahibo na kulay kalawang o kulay krema. Nakakaabot sa 12.5 cm (4.9 pul) ang haba ng mga pesiyolo at hanggang 5 mm (0.20 pul) naman ang mga estipula.[6]

Maliliit ang mga bulaklak—halos 5 mm (0.20 pul) ang diyametro ng mga lalaking bulaklak, habang 9 mm (0.35 pul) naman ang mga babaeng bulaklak.[6]

Isang sirwelas ang prutas na may diyametrong 4–6 cm (1.6–2.4 pul) na may isa o dalawang umbok; ang bawat umbok ay may isang malambot, maputi, mamantikang butil na nasa loob ng matigas na balat na may halos 2 cm (0.79 pul) diyametro.[5] Nagmumula sa butil ang langis ng lumbang.[7]

Taksonomiya

baguhin

Unang inilarawan ang halamang ito ni Carl Linnaeus sa kanyang gawain Species Plantarum (Sp. Pl. 2: 1006 (1753)) noong 1753 bilang Jatropha moluccana.[8] Pinalitan ito ng pangalan bilang Aleurites moluccana noong 1805 ni Carl Ludwig Willdenow sa susunod na edisyon ng Species Plantarum (Sp. Pl. 4: 590 (1805)),[3] ngunit iwinasto ang huling bahagi nito upang tumugma ito sa kasarian ng sari sa Latin, Aleurites moluccanus.

Etimolohiya

baguhin

Nagmula ang pangalan ng sari sa ἄλευρον (áleuron) sa Sinaunang Griyego, na nangangahulugan ng "harina" o "ulam", at tumutukoy sa mga bagong tubo na mukhang pinulbusan ng harina. Ang kahulugan ng bansag ng espesye ay "mula sa Moluccas".[5]

Distribusyon at habitasyon

baguhin

Distribusyon

baguhin

Imposibleng matukoy ang katutubong lawak dahilan sa pagkalat nito ng mga tao noong sinaunang panahon, at nakapamahagi na ang puno sa mga tropiko ng Bago at Lumang Mundo.

Unang nilinang ang lumbang sa mga isla ng Timog-silangang Asya. Nahukay ang mga labi ng inaning lumbang sa mga natuklasang lugar sa Timor at Morotai sa silangang Indonesia, na pinetsahan noong halos 13,000 at 11,000 BP, ayon sa pagkakasunod.[9] Matatagpuan din ang katibayang arkeolohiko ng paglinang ng lumbang sa mga dakong Neolitiko ng kulturang Toaleano sa timog Sulawesi na pinetsahan mula noong 3,700 hanggang 2,300 BP.[10][11] Malawakang ipinakilala ang mga lumbang sa Kapuluang Pasipiko ng mga sinaunang biyaherong Austronesyo at nanaturalisa sa mga matataas at mabulkan na isla.[12][13][14]

Habitasyon

baguhin

Tumutubo ang lumbang sa mga kagubatan sa tropiko at sa mga kagubatan na malapit sa ilog. Isa itong punongkahoy na mabilis lumaki at madlas lumilitaw sa mga naistorbong ulanggubat. Sa Australya, ang saklaw ng altitud ay mula lebel ng dagat hanggang 800 m (2,600 tal).[6]

Galerya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Rivers, M.C.; Barstow, M.; Mark, J. (2017). "Aleurites moluccanus". IUCN Red List of Threatened Species. 2017: e.T18435618A18435622. doi:10.2305/IUCN.UK.2017-3.RLTS.T18435618A18435622.en. Nakuha noong 12 Nobyembre 2021.
  2. "Aleurites moluccanus". International Plant Names Index. Nakuha noong 20 Pebrero 2021.
  3. 3.0 3.1 von, Linné, Carl; Ludwig, Willdenow, Karl (10 Setyembre 2018). Caroli a Linné(1805); Species Plantarum Edn. 4, 4(1): 590. ISBN 9780665553387.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. "Aleurites moluccanus". Germplasm Resources Information Network (GRIN). Agricultural Research Service (ARS), United States Department of Agriculture (USDA). Nakuha noong 15 Nobyembre 2009.
  5. 5.0 5.1 5.2 Cooper, Wendy; Cooper, William T. (2004). Fruits of the Australian Tropical Rainforest [Mga Prutas ng Ulanggubat ng Australya] (sa wikang Ingles). Melbourne, Australia: Nokomis Editions. p. 171. ISBN 0-9581742-1-0.
  6. 6.0 6.1 6.2 F.A.Zich; B.P.M.Hyland; T.Whiffen; R.A.Kerrigan (2020). "Aleurites moluccanus". Australian Tropical Rainforest Plants Edition 8 (RFK8) (sa wikang Ingles). Centre for Australian National Biodiversity Research (CANBR), Australian Government. Nakuha noong 7 Hunyo 2021.
  7. Razal, Ramon; Palijon, Armando (2009). Non-Wood Forest Products of the Philippines [Mga Di-Kahoy na Produkto sa mga Kagubatan ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). Calamba City, Laguna: El Guapo Printing Press. p. 67. ISBN 978-971-579-058-1.
  8. "Jatropha moluccana". International Plant Names Index. Nakuha noong 20 Pebrero 2021.
  9. Blench, Roger (2004). "Fruits and arboriculture in the Indo-Pacific region" [Mga prutas at arborikultura sa rehiyong Indo-Pasipiko]. Bulletin of the Indo-Pacific Prehistory Association (sa wikang Ingles). 24 (The Taipei Papers (Volume 2)): 31–50.
  10. Simanjuntak, Truman (2006). "Advancement of Research on the Austronesian in Sulawesi". Sa Simanjuntak, Truman; Hisyam, M.; Prasetyo, Bagyo; Nastiti, Titi Surti (mga pat.). Archaeology: Indonesian Perspective : R.P. Soejono's Festschrift [Arkeolohiya: Pananaw Indones : Festschrift ni R.P. Soejono] (sa wikang Ingles). Indonesian Institute of Sciences (LIPI). pp. 223–231. ISBN 9789792624991.
  11. Hasanuddin (2018). "Prehistoric sites in Kabupaten Enrekang, South Sulawesi". Sa O'Connor, Sue; Bulbeck, David; Meyer, Juliet (mga pat.). The Archaeology of Sulawesi: Current Research on the Pleistocene to the Historic Period [Ang Arkeolohiya ng Sulawesi: Kasalukuyang Pananaliksik mula Pleistoseno hanggang Makasaysayang Panahon]. terra australis (sa wikang Ingles). Bol. 48. ANU Press. pp. 171–189. doi:10.22459/TA48.11.2018.11. ISBN 9781760462574. S2CID 134786275.
  12. Larrue, Sébastien; Meyer, Jean-Yves; Chiron, Thomas (2010). "Anthropogenic Vegetation Contributions to Polynesia's Social Heritage: The Legacy of Candlenut Tree (Aleurites moluccana) Forests and Bamboo (Schizostachyum glaucifolium) Groves on the Island of Tahiti" [Mga Kontribusyon ng Halamang Antropoheniko sa Pamanang Panlipunan ng Polynesia: Ang Legasiya ng Mga Ulanggubat ng Lumbang (Aleurites moluccana) at Kawayan (Schizostachyum glaucifolium) sa Pulo ng Tahiti]. Economic Botany (sa wikang Ingles). 64 (4): 329–339. doi:10.1007/s12231-010-9130-3. S2CID 28192073.
  13. Weisler, Marshall I.; Mendes, Walter P.; Hua, Quan (2015). "A prehistoric quarry/habitation site on Moloka'i and a discussion of an anomalous early date on the Polynesian introduced candlenut (kukui, Aleurites moluccana)" [Isang prehistorikong tibagan/pamayanan sa Moloka'i at talakayan ng maanomalyang maagang petsa sa lumbang ipinakilala sa Polynesia (kukui, Aleurites moluccana)]. Journal of Pacific Archaeology (sa wikang Ingles). 6 (1): 37–57.
  14. Kirch, Patrick V. (1989). "Second Millennium B.C. Arboriculture in Melanesia: Archaeological Evidence from the Mussau Islands" [Arkitektura ng Ikalawang Milenyo B.C.sa Melanesia: Katibayang Arheolohiko mula sa Kapuluang Mussau]. Economic Botany (sa wikang Ingles). 43 (2): 225–240. doi:10.1007/bf02859865. S2CID 29664192.