Cantarell
Ang Cantarell ay ang unang napipiling pamilya ng tipo ng titik sa user interface ng GNOME simula pa noong bersyon 3.0, na pinapalitan ang Bitstream Vera at DejaVu. Pinasimulan ang tipo ng titik ni Dave Crossland noong 2009.
Kategorya | Sans-serif |
---|---|
Klasipikasyon | Humanista |
Mga nagdisenyo | Dave Crossland |
Foundry | Abattis |
Petsa ng pagkalikha | 2009 |
Lisensya | Lisensyang SIL Open Font |
Pinakabagong nilabas na bersyon | 0.111[1] |
Pinakabagong petsa ng pagkalabas | 4 Setyembre 2018 |
Kasayasayan
baguhinNoong 2009, sinumulan ang pagdidisenyo ng Cantarell na tipo ng titik ni Dave Crossland noong siya ay nag-aaral ng mga pamilya ng tipo ng titik sa Unibersidad ng Reading.[2] Noong 2010, pinili ang mga tipo ng titik ng GNOME para gamitin sa 3.0 na bersyon nito, at nilipat ang mga pinagmulang mga tipo ng titik sa repositoryo ng Git ng GNOME.[3] Pinapanatili ang mga tipo ng titik doon, na pinapahintulot ang pag-aambag mula sa iba't ibang mga nagdidisenyo kabilang sina Jakub Steiner at Pooja Saxena. Noong 2013, sumali si Pooja Saxena bilang isang interno para sa "Outreach Programme for Women" ng pundasyon ng GNOME,[4] at nagtrabaho para pagbutihin ang disenyo at suporta sa wika.[5] Noong 2014, binigyan si Pooja ng pinansyal na suporta ng Google Fonts para palawakin ang disenyo sa Devanagari, ngunit dahil sa di maiwasang pag-aayos sa metrikong patayo, nailathala ang pamilya ng tipo ng titik sa bagong pangalan, ang Cambay.[6]
Sa GNOME 3.28, muling dinisenyo ang tipo ng titik na may dalawang karagdagang bigat, ang magaan at ekstrang makapal.[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Index of sources/canterell-fonts" (sa wikang Ingles). GNOME.org.
- ↑ "Work from the MA typeface design class of 2009" (sa wikang Ingles). Typefacedesign.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-08. Nakuha noong 2011-08-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cantarell, a Humanist sans-serif font family". GNOME GIT source code repository. Nakuha noong 2011-08-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "OutReachProgramForWomen - GNOME Wiki!" (sa wikang Ingles). GNOME.org. Nakuha noong 2013-11-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Saxena, Pooja (2013-05-29). "Becoming an OPW intern" (sa wikang Ingles). Pooja Saxena. Nakuha noong 2013-11-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Saxena, Pooja. "Google Fonts Cambay" (sa wikang Ingles). Google Fonts. Nakuha noong 2016-01-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GNOME 3.28 Release Notes". help.gnome.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-03-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)