Capeto na Pamilyang Anjou

Ang Capeto na Pamilyang Anjou o Pamilya Anjou-Sicilia, ay isang maharlikang pamilya at kadeteng sangay ng direktang Pranses na Pamilya Capet, na bahagi ng Dinastiyang Capeto. Isa ito sa tatlong magkakahiwalay na maharlikang pamilya na tinutukoy bilang Angevino, nangangahulugang "mula sa Anjou" sa Pransiya. Itinatag ni Carlos I ng Anjou, ang bunsong anak na lalaki ni Louis VIII ng Pransiya, ang haring Capeto ay unang namuno sa Kaharian ng Sicilia noong ika-13 siglo. Nang maglaon, siya ay pinalayas ng Digmaan ng mga Bisperas na Siciliano palabas ng isla ng Sicilia, na iniiwan siya sa katimugang kalahati ng Tangway ng Italya — ang Kaharian ng Napoles. Ang pamilya at ang iba't ibang sangay ay magpapatuloy na maimpluwensiya ang kalakhan ng kasaysayan ng Timog at Gitnang Europa sa panahon ng Gitnang Kapanahunan, hanggang sa umiral noong 1435.

Sa kasaysayan, pinamunuan ng Pamilya ang mga lalawigan ng Anjou, Maine, Touraine, Provence, at Forcalquier, ang mga prinsipalidad ng Achaea at Taranto, at ang mga kaharian ng Sicilia, Napoles, Unggarya, Croasya, Albania, at Polonya.

Mga sanggunian

baguhin