Capsicum annuum
Ang Capsicum annuum ay isang domestikadong espesye ng halamang saring (genus) Capsicum na likas sa katimugang bahagi ng Hilagang Amerika at sa hilagang bahagi ng Timog Amerika.[1][2] Ang espesyeng ito ay ang pinaka-karaniwan at malawakang nililinang sa limang domestikadong uri ng capsicum. Iba-iba ang hugis at laki ng espesyeng ito, na may katamtaman hanggang sobrang anghang, mula sa kultibar na siling kampana hanggang sa siling maanghang. Ang ilang makahoy na uri ng espesyeng ito ay dating tinatawag na C. frutescens, subalit ang mga katangian na kaiba sa uring iyon ay makikita sa maraming uri ng C. annuum, samakatuwid ay magkaiba at natatangi ang dalawang espesyeng iyon ng Capsicum.[3]
Capsicum annuum | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | C. annuum
|
Pangalang binomial | |
Capsicum annuum |
Mga katangian
baguhinBagaman ang pangalan ng espesye na annuum ay nangangahulugang "taunan", ang halamang ito ay hindi uring taunan lang sa halip nakakatagal ito ng ilang panahon kapag walang yelo na dulot ng taglamig at lumalaking magkakasama sa palumpong na mga halaman.[4] Ang bulaklak nito ay kulay abuhing-puti (minsan ay mala-lila) samantalang ang tangkay ay siksik na nagsasanga-sanga at tumataas hanggang 60 sentimetro (24 pulgada). Ang bunga ay isang ratiles at kulay berde, dilaw o pula kapag hinog na.[5] Bagaman kaya ng espesyeng ito na mabuhay sa iba-ibang klima, mas dumarami at namumunga ng sagana ang C. annuum sa mainit at tuyong klima.
Mga gamit
baguhinSa pagluluto
baguhinAng espesyeng ito ang pinagkukunan ng kilalang manamis-namis at maaanghang na sili na may maraming uri na nililinang sa buong mundo.
Sa Gran Britanya, ang manamis-namis na uri ay tinatawag na red/green pepper[6], ang mga maaanghang na uri naman ay chillies,[7] samantalang sa Australia at India capsicum ang karaniwang tawag sa manamis-namis na uri at sa mga maaanghang naman ay "chili peppers" o "chillies" (binabaybay minsan na "chiles").
Ang mga uring manamis-namis na sili ay kadalasang ginagamit na pampaalsa sa mga pagkaing biling-yari dahil ang mga ito ay mura, may matapang na lasa at makulay. Sinasabing ang aspeto ng kulay ng uring ito ng sili ay kaakit-akit at nakapagpapagana sa pagkain. Nagtataglay ng capsinoid ang mga siling maanghang, na nagbibigay ng matapang na lasa sa pagkain, at capsaicin na nagdudulot ng mainit na pakiramdam kapag kinain at maaaring magtagal ng ilang oras.
Panggagamot
baguhinAng maaanghang na sili ay ginagamit din sa panggagamot sa Aprika[8] at sa iba pang lugar sa mundo.
Inilarawan ng botanikong Ingles na si John Lindley ang C. annuum sa kanyang librong Flora Medica (1938, p.509):
It is employed in medicine, in combination with Cinchona in intermittent and lethargic affections, and also in atonic gout, dyspepsia accompanied by flatulence, tympanitis, paralysis etc. Its most valuable application appears however to be in cynanche maligna (acute diphtheria) and scarlatina maligna (malignent Scarlet fever, used either as a gargle or administered internally.)
Sa medisinang Ayurveda, ang C. annuum ay inuuri gaya ng mga sumusunod:[9]
- Gunna (katangian) – ruksh (tuyo), laghu (magaan) and tikshan (matulis)
- Rasa dhatu (lasa) – katu (maanghang)
- Virya (lakas) – ushan (matinding anghang)
Pampalamuti
baguhinAng ilang kultibar ay pinapalaki dahil sa kanilang natural na ganda gaya ng Black Pearl sa U.S. National Arboretum[10] at ng Bolivian Rainbow. Ang mga uri na ginagawang palamuti ay hindi pangkaraniwan ang kulay ng bunga at dahon, gaya ng kapuna-punang kulay na itim at lila. Lahat naman ng ito ay pwedeng kainin, at karamihan ay maaanghang (gaya ng Royal Black).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Capsicum annuum L." Germplasm Resources Information Network. United States Department of Agriculture. 1997-01-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-05. Nakuha noong 2010-07-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Latham, Elizabeth (2009-02-03). "The colourful world of chillies". Stuff.co.nz. Nakuha noong 2009-03-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zhi-Yun Zhang, Anmin Lu & William G. D'Arcy. "Capsicum annuum Linnaeus, Sp. Pl. 1: 188. 1753". Flora of China. Bol. 17. pp. 313–313.
- ↑ Katzer, Gernot (Mayo 27, 2008). "Paprika (Capsicum annuum L.)". Nakuha noong Disyembre 1, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Organisation for Economic Co-operation and Development (1 Hulyo 2006). Safety assessment of transgenic organisms: OECD consensus documents. OECD Publishing. pp. 299–. ISBN 978-92-64-02258-4. Nakuha noong 25 Nobyembre 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pepper
- ↑ Chilli
- ↑ Grubben, G.J.H. & Denton, O.A. (2004) Plant Resources of Tropical Africa 2. Vegetables. PROTA Foundation, Wageningen; Backhuys, Leiden; CTA, Wageningen.
- ↑ "Capsicum Annuum". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2011. Nakuha noong Pebrero 21, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Capsicum annuum "Black Pearl"" (PDF). U.S. National Arboretum. Marso 2006. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Oktubre 10, 2010. Nakuha noong Pebrero 21, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito. |