Captain Marvel (DC Comics)

Si Captain Marvel, kilala din sa tawag na Shazam ( /ʃəˈzæm/), ay isang kathang-isip na superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na orihinal na nilalathala ng Fawcett Comics, at sa kasalukuyan ay nilalathala ng DC Comics. Nilikha ito ng tagaguhit na si C. C. Beck at manunulat na si Bill Parker noong 1939. Unang lumabas si Captain Marvel sa Whiz Comics #2 (nakapetsa ang pabalat noong Peb. 1940), na nilathala ng Fawcett Comics. Siya ang ibang katauhan ni Billy Batson, isang batang lalaki, na kapag sinasabi ang salitang mahika na "SHAZAM!" (akronim ng anim na "imortal nakakantanda": Solomon, Hercules, Atlas, Zeus, Achilles, at Mercury), ay kayang baguhin ang sarili sa naka-costume na adulto na may kapanyarihan ng higit-sa-taong lakas, bilis, paglipad at ibang kakayahan. Nilalabanan ng karakter ang malawak na tala ng mga kalaban, karamihan sa mga ito ay tumatambal sa Monster Society of Evil, kabilang ang pangunahing mortal na kaaway na sina Doctor Sivana, Black Adam, at Mister Mind.

Batay sa benta ng komiks, ang karakter ay ang pinakapopular na superhero noong dekada 1940, na mas mabenta pa sa mga komiks ni Superman.[1][2] Pinalawig ni Fawcett ang prangkisa upang isali ang ibang mga "Marvel," pangunahin ang kasamang Pamilyang Marvel na sina Mary Marvel at Captain Marvel Jr., na mayroon ding kapangyarihan tulad ng kay Billy. Si Captain Marvel din ang unang superhero sa komiks na nagkaroon ng adaptasyon sa pelikula. Noong 1941, inilabas ng Republic Pictures ang pelikulang seryal na Adventures of Captain Marvel, na pinagbibidahan nina Tom Tyler bilang Captain Marvel at Frank Coghlan, Jr. bilang Billy Batson.

Tinigil ni Fawcett ang mga lathalain na may kaugnayan kay Captain Marvel noong 1953, na bahagi nito ay dahil sa isang paglabag sa karapatang-ari mula sa DC Comics na inakusahan na kopya ni Superman si Captain Marvel.[3] Noong 1972, nilisensya ni Fawcett ang karapatan ng karakter sa DC, na noong 1991 kinuha lahat ng karapatan ng buong pamilya ng karakter. Simula noon, sinama ng DC si Captain Marvel at ang Pamilyang Marvel sa kanilang DC Universe at sinubok na muling buhayin ang pagmamay-ari ng ilang beses, na nagdulot ng magkahalong tagumpay. Dahil sa oposisyon sa tatak-pangkalakal sa ibang karakter na may pangalan din na "Captain Marvel" na pagmamay-ari ng Marvel Comics,[4] minekardo at minarka ng DC ang karakter gamit ang tatak-pangkalakal na Shazam! simula pa noong muling pagpapakilala ng karakter noong 1972.[5] Nagdulot ito ng pag-akala ng marami na "Shazam!" ang pangalan ng karakter. Muling pinalitan ng pangalan sa pangunahing bersyon ng karakter bilang "Shazam!" na muling ipakilala sa pagmamay-aring komiks noong 2011,[6] at ang kanyang mga kasama ay naging ang "Pamilyang Shazam".[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Tipton, Scott (Abril 1, 2003). "The World's Mightiest Mortal". Comics 101 (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 14, 2005. Nakuha noong 2005-06-17. I've always felt that it was this origin story and concept that made Captain Marvel instantly popular, to the point that it was outselling every comic on the stands for several years throughout the '40s.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Comic Book Success Stories". The Museum of Comic Book Advertising (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2005-06-17. By the middle of the decade, Captain Marvel had received a self-titled comic book, Captain Marvel's Adventures [sic], which had a circulation that reached 1.3 million copies per month. Captain Marvel's circulation numbers exceeded National's Superman title and the rivalry between the companies led National to sue Fawcett for plagiarism.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The World's Mightiest Mortal and Big Red Cheese". The Museum of Comic Book Advertising (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2005-06-17. In 1953, the case was finally settled out of court when Fawcett agreed to quit using the Captain Marvel character(s) and pay DC the sum of $400,000.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Smith, Zack (30 Disyembre 2010). "An Oral History of CAPTAIN MARVEL: The Lost Years, pt. 3". Newsarama (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Bricken, Rob. "The Captain Marvel/Ms. Marvel/Shazam Clusterf*ck Explained" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Enero 2018. Nakuha noong 5 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Exclusive: GEOFF JOHNS Hopes Lightning Strikes SHAZAM!" (sa wikang Ingles). Newsarama.com. 2012-01-26. Nakuha noong 2015-07-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link). Habang ang pangunahing bersyong "Earth-0" ng karakter ay muling ipinakilala bilang "Shazam!", sa loob ng "Multiverse" ng DC Comics, patuloy na nakikilala ang dalawang alternatibong anyo ng karakter si "Captain Marvel" sa alternatibong mga mundong Earth-5 at Earth-S.
  7. Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Manning, Matthew K.; Wiacek, Stephen (2016). The DC Comics Encyclopedia : the definitive guide to the characters of the DC universe (sa wikang Ingles) (ika-First American (na) edisyon). New York. pp. 272. ISBN 9781465453570. OCLC 936192301.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)