Karabela

Uri ng barkong panlayag
(Idinirekta mula sa Caravel)

Ang karabela (Ingles: caravel, Kastila: carabela, Portuges: caravela, IPA: [kɐɾɐˈvɛlɐ]) ay isang maliit na barkong pampaglalayag na napakadaling pakilusin o maneobrahin. Nilikha at pinaunlad ito ng mga Portuges noong ika-15 daantaon upang makapanggalugad sa kahabaan ng dalampasigan ng Kanlurang Aprika at sa Karagatang Atlantiko. Ang mga layag nitong tinatawag na mga belong Latin ang nagbigay sa barkong ito ng tulin at kakahayahan na makapaglayag na patungo sa ihip ng hangin. Ang mga karabela ay karamihang ginagamit ng mga Portuges para sa mga paglalakbay na pang-eksplorasyon ng mga karagatan noong ika-15 at ika-16 na mga daantaon noong panahon ng pagtuklas. Maaari itong makapaglulan ng hanggang sa 20 mga mandaragat.[1]

Ang pamantayang modelo para sa karabelang Portuges.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ayon sa pabatid na nakapaskil sa Musée de la Marine.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.