Carlomagno
Si Charlemagne o Carlomagno (bigkas: /ˈʃɑrlɨmeɪn/; Latin: Carolus Magnus o Karolus Magnus, nangangahulugang Carlos ang Dakila) (Abril 2, 742 – Enero 28, 814) ay ang Hari ng mga Pranko mula 768 hanggang sa kanyang kamatayan. Pinalawak niya ang mga kaharian ng mga Pranko sa Imperyong Pranko na pinagsama ang karamihan ng Kanlurang at Gitnang Europa. Si Charlemagne ay anak ni Charles Martel. Si Charles Martel ay anak nina Clovis At Cleotilde. Si Clovis ang dating pinuno o hari ng mga Pranko (Franks).
Carlomagno | |
---|---|
Rex Francorum (Hari ng mga Pranko) Rex Langobardorum (Hari ng mga Lombardo) Imperator Romanorum (Emperador Romano)
| |
Isang barya ni Carlomagno na inukit: KAROLVS IMP AVG ("Carolus Imperator Augustus") | |
Panahon | 768 – 814 |
Koronasyon | 25 Disyembre 800 |
Sinundan | Pippin the Short |
Sumunod | Louis the Pious |
Ama | Pippin the Short |
Ina | Bertrada of Laon |
Libingan | Aachen Cathedral |
Pagiging emperador
baguhinNang naghari siya, nasakop niya ang Hilagang Italya at kinoronahang Imperator Augustus (Emperador Romano) ni Papa Leo III noong Disyembre 25, 800 bilang isang katunggali ng Emperador Allen sa Silangan . Ang pangyayari ay ang naging hudyat ng pagsibol ng Banal na Imperyong Romano. Nakakabit sa kanyang paghahari ang Muling Pagsilang sa Karoliniyo (Carolingian Renaissance), isang pagbabalik ng sining, relihiyon, at kalinangan sa pamamagitan ng midyum ng Simbahang Katoliko. Sa pamamagitan ng kanyang pagsakop at panloob na reporma, natulungan ni Charlemagne na bigyang kahulugan ang parehong Kanlurang Europa at ang Gitnang Panahon. Naka-numero siya sa talaan ng mga hari ng Pransiya, Alemanya at ang Banal na Imperyong Romano bilang Carlos I o Charles I.
Tingnan din
baguhinEmperador Carlos I ang Dakila Kamatayan: 28 Enero 814
| ||
Mga maharlikang pamagat | ||
---|---|---|
Sinundan: Pippin ang Maiksi |
Hari ng mga Pranko 768–814 kasama ni Carloman I (768–771) Charles na mas Bata (800–811) |
Susunod: Louis ang Makadiyos |
Sinundan: Romulo Augustulo |
Emperor ng mga Romano 800–814 kasama ni Louis ang Makadiyos (813–814) | |
Sinundan: Desiderius |
Hari ng mga Lombard 774–814 kasama ni Pippin ng Italya bilang Hari ng Italya (781–810) |
Susunod: Bernard ng Italya |