Carlos II ng Napoles
Si Carlos II, kilala rin bilang Carlos ang Pilay (Pranses: Charles le Boiteux; Italyano: Carlo lo Zoppo; 1254 – 5 Mayo 1309), ay Hari ng Napoles, Konde ng Provenza at ng Forcalquier (1285–1309), Prinsipe ng Acaya (1285–1289), at Konde ng Anjou at Maine (1285–1290); tinawag din niya ang kanyang sarili na Hari ng Albania at inangkin ang Kaharian ng Herusalem mula 1285. Siya ay anak ni Carlos I ng Anjou—isa sa pinakamakapangyarihang monarko sa Europa noong ikalawang kalahati ng ika-13 siglo—at Beatriz ng Provenza. Pinagkalooban ng kaniyang ama kay Carlos ang Prinsipalidad ng Salerno sa Kaharian ng Siciloa (o Regno noong 1272 at ginawa siyang rehente sa Provenza at Forcalquier noong 1279.
Carlos II ng Napoles | |
---|---|
Kapanganakan | 1254 (Huliyano)
|
Kamatayan | 5 Mayo 1309 (Huliyano)
|
Libingan | Santa Chiara, Napoles |
Mamamayan | Kaharian ng Napoles |
Trabaho | monarko |
Anak | San Luis Obispo |
Magulang |
Matapos ang pag-aalsa na kilala bilang mga Bisperas na Siciliano laban sa ama ni Carlos, ang isla ng Sicilia ay naging isang malayang kaharian sa ilalim ng pamumuno ni Pedro III ng Aragon noong 1282. Pagkalipas ng isang taon, ginawang rehente ng kaniyang ama si Carlos sa mga teritoryo ng kalupaan ng Regno (o ang Kaharian ng Napoles). Nagdaos si Charles ng isang pangkalahatang pagpupulong kung saan ang mga hindi sikat na buwis ay inalis at ang mga kalayaan ng mga maharlika at mga kleriko ay nakumpirma. Hindi niya mapigilan ang mga Aragonese na sakupin ang Calabria at ang mga isla sa Golpo ng Napoles . Nahuli siya ng Sicilianong almiranteng si Roger ng Lauria sa isang labanan sa dagat malapit sa Napoles noong 1284. Dahil siya ay nasa bilangguan pa noong namatay ang kaniyang ama noong 7 Enero 1285, ang kaniyang mga kaharian ay pinamumunuan ng mga rehente.
Mga sanggunian
baguhin