Carmen Lim Planas (Marso 23, 1914 – Agosto 25, 1964) ay ang unang babae na nahalal sa alinmang pampublikong katungkulan sa Pilipinas noong siya ay nahalal bilang municipal board ng Maynila sa ngalan ng general suffrage noong 1934. Siya ay ang unang babae na naging Bise-Alkalde ng Maynila — mula 1940 hanggang 1941 at umulit, mula 1944 hanggang 1951.


Carmen Planas
8th Vice Mayor of Manila
Nasa puwesto
Hulyo 18, 1944 – Disyembre 31, 1949
MayorHermenegildo Atienza (1944–1945)
Juan Nolasco (1945–1946)
Valeriano E. Fugoso, Sr. (1946–1947)
Manuel de la Fuente (1948–1949)
Nakaraang sinundanHermenegildo Atienza
Sinundan niIñigo Ed. Regalado
Nasa puwesto
Enero 5, 1940 – Agosto 28, 1941
MayorEulogio Rodriguez
Nakaraang sinundanJorge B. Vargas
Sinundan niHermenegildo Atienza
Member of the Manila Municipal Board
Nasa puwesto
Enero 1, 1934 – Enero 4, 1940
Personal na detalye
Isinilang
Carmen Lim Planas

23 Marso 1914(1914-03-23)
Tondo, Maynila, Philippine Islands
Yumao25 Agosto 1964(1964-08-25) (edad 50)
Chicago, Illinois, U.S.
KaanakCharito Planas (kapatid na babae)
Alma materUnibersidad ng Pilipinas
PropesyonLawyer

Mga taon ng pagkamulat

baguhin

Si Carmen Planas ay ipinanganak noong Marso 23, 1914, sa Tondo, Manila, kina Illuminado Planas at Concepcion Lim. Kasama sa kanyang mga kapatid si attorney Charito Lim Planas (isang dating bise alkalde ng Quezon City), ang dating Miss Visayas na si Adela Planas-Paterno, at ang negosyanteng si Severino L. Planas.

Sa Zaragosa Elementary School, siya ang nangungunang mag-aaral sa kanyang ikaapat na baitang. Doon ay naging valedictorian siya sa kanyang mababang paaralan.[1][2] Sa ikapitong baitang, lumipat siya sa Collegia de Sta. Rosa kung saan isa rin siyang nangungunang estudyante. Nag-aral siya sa mataas na paaralan ng Holy Ghost College (kilala ngayon bilang Holy Spirit College).

Nag-enrol siya sa kursong prelaw sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan siya naging iskolar. Ang kanyang kakayahang magsalita at makipagdebate at kasigasigan ay nakakuha ng kanyang mga gintong medalya sa University of the Philippines College of Law.

Minsang nasubok ang kanyang kakayahan sa pakikipagdebate sa isyu ng pagboto ng kababaihan. Siya ay itinalaga upang kunin ang positibong panig, at itinaguyod ito nang mahusay. Pagkatapos ay tinalaga siya na ipagtanggol ang kabaligtarang panig ng usapan, at ito ay ginawa niya nang mabisa. Ang pagpapakitang ito ng pambihirang talino ay nakapagkamit para sa kanya ng dalawang medalya. Nakapag-panalo din siya ng isang declamation contest sa wikang Espanyol.

Karera sa politika

baguhin

Sa kasagsagan ng kaso ng Cuervo-Barredo, si Planas ay gumawa ng isang mahusay at mapusok na talumpati sa harap ng isang rally ng mga kabataan, na pinupuna ang pakikialam ni Commonwealth President Manuel Quezon sa hudikatura. Nang sumunod na araw ay lumabas siya sa mga front page ng metropolitan paper na may headline na "U.P. COED ATTACKS QUEZON." Siya ay ipinatawag sa Malacañang at tinanong kung bakit niya binasted ang pangulo.[3] Sagot niya, pinupuna lang niya ang ginawa ng pangulo.

Pagkatapos ng insidente, hinirang siya ni Wenceslao Vinzons, na siyang pinuno ng Young Philippines Party, na maging kanilang kandidato sa partido para sa noon ay municipal board ng Manila (ngayon ay Manila City Council). Nang maglaon, siya ang naging unang babaeng nahalal sa lupon ng munisipyo.

Si Planas ay binansagang "Manila's Darling" at "Manila's Sweetheart" ng kanyang mga nasasakupan.[4] Ito ay dahil sa isang insidente nang siya ay nagmamadaling lumabas ng opisina sa isang appointment, na nilalampasan ang isang reporter na umaasa na makapanayam siya. Pabirong itinanong ng reporter kung pupunta ba siya sa isang date. Walang pinalampas na sagot niya na ang ka-date niya ay sa Lungsod ng Maynila.

Mga gawaing panlipunan

baguhin

Nang dumating ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas, hindi tumigil si Planas sa paglilingkod sa kanyang kapwa. Gumawa siya ng ilang gawaing palihim, nagbigay ng huwarang paglilingkod sa mga gerilya. Lagi siyang nakikitang nagdadala ng pagkain at iba pang uri ng tulong sa mga ospital at sa mga tahanan ng mga nasugatang dating sundalo.[5] Pagkatapos noong digmaan, nagsilbi siya sa iba't ibang tungkulin sa gobyerno. Siya ay naging gobernador at kalihim ng Philippine National Red Cross,[6] Naging legal adviser din siya sa Philippine Association of Women Doctors, sa Filipino Youth Symphony Organization, at sa Women's International League.

Bilang pagkilala sa kanyang mga mabuting mga ginagawa, siya ay pinadala ng Philippine National Red Cross bilang nag-iisang delegado sa pagpupulong ng mga gobernador ng Red Cross sa Oslo, Norway. Siya rin naging delegado ng Philippines Lawyers Association sa Lawyers International Conference sa Monte Carlo, Monaco.

Pagpanaw at pamana

baguhin

Namatay siya sa Grant Hospital sa Chicago, Illinois, noong Agosto 25, 1964, sa edad na 50. Inialay ni Planas ang kanyang buhay sa serbisyo publiko, at hindi kailanman nag-asawa. Isang lansangan sa Tondo, Maynila ang pinangalanan sa kanya.[7]



  1. "Carmen Planas" (PDF).
  2. The Kahimyang Project website , Ngayon sa Kasaysayan ng Pilipinas Marso 23 1914
  3. Website ng LifeStyle Inquirer, Carmen Planas, artikulo ni Charito L. Planas na may petsang Marso 29, 2014
  4. Website ng Business Mirror, Women Power in the Senate, article dated July 29, 2022
  5. -be-elected-to-public-office/ website ng Unibersidad ng Southern Mindanao, Unang Babaeng Ihahalal sa Pampublikong Opisina, artikulong may petsang Marso 18, 2023
  6. -late-sister PhilStar Global website, Planas to receive award for late sister, article dated March 23, 2012
  7. [https://thephilippinestoday.com/carmen-planas/ Website ng Philippines Today, Carmen Planas, artikulong may petsang Mayo 3, 2023