Oslo
Ang Oslo ay isang bayan at gayun din ang siyang kabisera at pinakamataong lungsod sa Norwega. bilang isang bayan (formannskapsdistrikt), ito ay itinatag noong 1 Enero 1838. Itinaguyod noong bandang 1048 ni Haring Harald III ng Norwega, ang karamihan sa lungsod ay nawasak matapos ng isang sunog noong 1624. Ang lungsod ay inilipat ng lugar sa ilalim ng hari ng Dinamarka-Norwega na si Cristian IV. Ito ay itinayo nang mas malapit sa Moog ng Akershus, bilang Cristiania. Noong 1925, binawi ng lungsod ang dati nitong pangalang Norwego, Olso. Ang diocesis ng Oslo ay isa sa limang dating diocesis ng Norwega, na naitatag noong pang bandang 1070.
Oslo | |||
---|---|---|---|
big city, lungsod, Sentrong pampangasiwaan, largest city, national capital | |||
| |||
Mga koordinado: 59°54′48″N 10°44′20″E / 59.9133°N 10.7389°E | |||
Bansa | Noruwega | ||
Lokasyon | Oslo Municipality, Noruwega | ||
Itinatag | 1048 | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 454.12 km2 (175.34 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Enero 2023)[1] | |||
• Kabuuan | 709,037 | ||
• Kapal | 1,600/km2 (4,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, Oras ng Gitnang Europa | ||
Kodigo ng ISO 3166 | NO-03 | ||
Websayt | https://www.oslo.kommune.no/ |
Ang Oslo ay ang sentrong pangkultura, pang-agham, pang-ekonomiya at pampamahalaan ng Norwega. Ang lungsod ay himpilan din ng kalakalang Norwego, pagbabangko, industriya at pagbabarko. Ito ay isang mahalagang sentro para sa mga industriya at kalakalang pandagat sa Europa. Ang lungsod ay kinalalagyan ng maraming mga kompanyang may kinalaman sa kalakalang pandagat at pagbabarko. Ang Oslo ay isang pilot city sa programang intercultural cities ng Konsilyo ng Europa at ng Komisyong Europeo.
Ang Oslo ay itinuturing na isang global city at binansagang Beta World City sa mga pagsusuring isinagawa ng Globalization and World Cities Study Group and Network noong 2008.[2] Sa loob ng ilang nakalipas na taon, ang Oslo ay nakalista bilang isa sa mga mahal-tirahang lungsod sa daigdig, kasama ng ilang mga lungsod tulad ng Zurich, Ginebra, Copenhague, Paris at Tokyo.[3] Subalit noong 2009, nabawing muli ng Oslo ang karangalan nito bilang ang pinakamahal-tirahang lungsod sa daigdig.[4][5]
Base sa 2010, ang kalakhang Oslo ay may populasyong 1.4 milyon, na kung saan 912,046 ay nakatira sa magkakadikit na mga karatig-bayan. Ang populasyon ay kasalukuyang dumarami sa hakbang na 1.64% taun-taon, at dahil dito ay siyang pinakamabilis-lumaking lungsod sa Europa.[6] Ang paglaking ito ay dulot ng inmigrasyon, dahil ang populasyong Norwego ay kumakaunti.[7] Ang sukat ng mga dayo sa populasyon ng pinaka-lungsod ay ngayon umaabot sa mahigit sa 25% ng pangkalahatan ng lungsod.[8]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Kommunefakta". Nakuha noong 4 Marso 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The World According to GaWC 2008".
- ↑ "Worldwide Cost of Living survey: A lot of yen". The Economist (www.economist.com). 9 March 2009.
- ↑ Boyle, Catherine (20 August 2009). "So you think London’s expensive? It isn’t any more". Times Online (Business.timesonline.co.uk). Retrieved 20 August 2009.
- ↑ Marowits, Ross. "The Canadian Press: Montreal beats Toronto with 12th most purchasing power in world, says UBS study". Retrieved 20 August 2009.
- ↑ "Oslo europamester i vekst - Nyheter - Oslo". Aftenposten.no. Retrieved 2011-06-03.
- ↑ "Ola og Kari flytter fra innvandrerne - Nyheter - Oslo". Aftenposten.no. Retrieved 2011-06-03.
- ↑ "Immigration and immigrants". Ssb.no. 1 January 2009. Retrieved 29 August 2009.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Noruwega ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.