Harald III ng Noruwega
Si Harald Sigurdsson (1015 - Setyembre 25, 1066), kinalaunan ay binansagang Hardrada (Lumang Norwego: Haraldr harðráði, kulang-kulang na nangangahulugang "mahigpit na pinuno," Hardråde sa modernong Norwego) ay ang hari ng Norwega mula 1047[1] hanggang 1066. Inangkin din niya ang karangalan ng pagiging hari ng Dinamarka hanggang 1064, madalas na tinatalo ang hukbo ni Svend II at pinapaalis mula sa bansa. Mararaming detalye ng kaniyang buhay ay nakatala sa Heimskringla at iba pang akdang Islandes. Sa mga nag-i-Inggles, siya ay karaniwang naaalala dahil sa kaniyang paglusob sa Inglatera noong 1066. Ang pagkamatay ni Harald ay madalas na itinuturing na katapusan ng panahon ng mga Bikinggo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Si Harald ay naging kapwa-pinuno noong 1046 at hari noong 1047 sa pagkamatay ni Magnus I.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Noruwega ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.