Carolina Lindström

Si Carolina Lindström, née Lundström (1812–1892), ay isang Swedish miliner o na gumagawa ng iba't-ibang klase ng sumbrero. Kilala siya sa Stockholm bilang "Evening Star", dahil siya ay kadalang nagtatrabaho tuwing gabi.

Carolina Lindström, guhit-kahoy ni Gunnar Forssell

Ang kanyang ina ay isang negosyante at siya mismo ang nag-ipon ng kanyang pera hanggang sa makayanan niyang maging isang apprentice sa nangungunang tagagawa ng sumbrero sa Stockholm, na isang babaeng Pranses.

Si Lindström nagkaroon ng sariling tindahan sa Västerlånggatan 40 noong 1842. Sa pagkamatay ng hari noong 1844, inalerto siya ng mga footmen sa palasyo ng hari upang makuha niya ang lahat ng itim na laso mula sa iba pang mga milliner sa kabisera bago pa malaman ng publiko ang kamatayan. Naging matagumpay siya at nagbukas ng pangalawang tindahan sa Hornsgatan. Noong 1847, nagpakasal siya sa isang lalaki na nilustay ang lahat ng kanyang pera sa pagsusugal, ngunit mabilis niyang nabawi ito.

Noong 1892, iniwan niya ang kanyang negosyo sa isa sa kanyang mga katulong at bumili ng isang lugar para sa kanyang sarili sa Stockholm retirement home para sa mga balong negosyante; gayunpaman, namatay siya ilang buwan pagkatapos ng kanyang pagreretiro.

Ang kanyang boutique ay, noong 1995, ang pinakalumang fashion shop sa Stockholm.[1]

Mga tala

baguhin
  1. Lisbet Scheutz (2001 (2003) nuytgåva). Berömda och glömda stockholmskvinnor: sju stadsvandringar: 155 kvinnoporträtt. Stockholm: MBM. ISBN 91-973725-3-6 Libris 8392583

Mga sanggunian

baguhin
  • Lisbet Scheutz (2001 (2003) nuytgåva). Berömda och glömda stockholmskvinnor: sju stadsvandringar: 155 kvinnoporträtt. Stockholm: MBM. ISBN 91-973725-3-6 Libris 8392583