Estokolmo

(Idinirekta mula sa Stockholm)

Ang Estokolmo (Suweko at Ingles: Stockholm)[3] ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Suwesya at bumubuo ng pinakamataong kalakhan sa Escandinavia.[4][5] Ito ang himpilan ng pamahalaang Sweko, ang Riksdag (parlamento), at ang tinitirhan ng monarkong Sweko at gayun din ng punong ministro. Mula noong 1980, ang monarko ay naninirahan sa Palasyo ng Drottningholm sa labas ng Estokolmo at ginagamit ang Palasyo Real ng Estokolmo bilang kaniyang tanggapan at opisyal na tahanan. Base sa 2010, ang kalakhang Estokolmo ay tinitirhan ng humigit-kumulang sa 22% ng populasyon ng Swesya. Ang Estokolmo ay siyang pinakamataong lungsod sa Swesya, na may populasyong 851,155 sa mismong lungsod (2010), 1.37 milyon sa mga karatig-pook (2010) at bandang 2.1 milyon naman sa 6,519 km-kw (2,517.00 mi-kw) kalakhan.

Stockholm
lungsod, big city, Hanseatic city, daungang lungsod, largest city, national capital
Watawat ng Stockholm
Watawat
Eskudo de armas ng Stockholm
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 59°19′46″N 18°04′07″E / 59.3294°N 18.0686°E / 59.3294; 18.0686
Bansa Suwesya
LokasyonStockholm City, Over-Governors office
Palarong Olimpiko sa Tag-init 19121912
Itinatag1187 (Huliyano)
Ipinangalan kay (sa)maliit na pulo
Lawak
 • Kabuuan187.16 km2 (72.26 milya kuwadrado)
Populasyon
 (31 Disyembre 2022, Ebalwasyon)[1][2]
 • Kabuuan984,748
 • Kapal5,300/km2 (14,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00
WikaWikang Suweko
Websaythttps://start.stockholm

Itinaguyod noong 1250, ang Estokolmo ay magmula noon pang isa sa mga sentrong pangkultura, pangmedya, pampolitika at pang-ekonomiya ng Swesya. Ang magandang kinalalagyan nito sa 14 pulo sa timog-gitnang baybay ng Swesya sa bibig ng Lawa ng Mälaren, sa tabi ng Kapuluan ng Estokolmo, ay may kahalagahan noon pa man. Ang Estokolmo ay hinahalal ng GaWC bilang isang global city, na may kauriang Alpha-.[6] Sa 2008 Global Cities Index, ang Estokolmo ay nakalista bilang ika-24 sa daigdig, ika-10 sa Europa at unang-una sa Escandinavia.[7] Ang Estokolmo ay kilala sa kagandahan, mga gusali at arkitektura, sagana at malinis na tubig, at sa maraming mga parke nito.[8] Ito ay kadalasan tinaguriang Venecia ng Hilaga.[9]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. https://www.scb.se/hitta-statistik/statistik-efter-amne/befolkning/befolkningens-sammansattning/befolkningsstatistik/pong/tabell-och-diagram/folkmangd-och-befolkningsforandringar---helarsstatistik/folkmangd-topp-50/.
  2. https://www.citypopulation.de/en/sweden/cities/mun/.
  3. Karasig, Jose Domingo (1936). "Dakilang Dakila". Liwayway Extra. Maynila: Ramon Roces Publications, Inc.: 28-31, 105-114. Sa tahanang pangtag-araw pa ng hari sa dakong silangan ng Alhambra nagpalipas ng pulot-gata ang bagong kasal. Isang buwan sila rito at pagkaraan ay naglakbay sa Londres, sa Paris, sa Berlin, sa Estokolmo, sa Bruselas, sa Roma at Alehandria ng Ehipto. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Statistics Sweden. Retrieved 2011-06-16.
  5. http://www.dst.dk/pukora/epub/Nyt/2010/NR160_1.pdf
  6. http://www.lboro.ac.uk/gawc/world2008t.html
  7. "The 2008 Global Cities Index". Foreign Policy. November 2008. Retrieved 9 December 2008.
  8. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-15. Nakuha noong 2007-07-15.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Adventures in the 'Venice of the North', CNN.com June 5, 2009


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Suwesya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.