Caroline Corr
Si Caroline Georgina Corr (ipinanganak 17 Marso 1973), ay isang mang-aawit at tambulero na taga-Ireland para sa Celtic folk rock na bandang The Corrs. Maliban sa tambol, tumutugtog din Caroline din ng bodhrán at piano. Ang magkakapatid na Corr ay itinalaga bilang mga honoraryang MBE noong 2005, sa pagkilala sa kanilang musika at pagkakawanggawa na kung saan ay nakalikom ng pera para sa Freeman Hospital sa Newcastle, ang mga biktima sa pambobomba sa Omagh at iba pang mga kawanggawa.[1]
Caroline Corr MBE | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Caroline Georgina Corr |
Kapanganakan | 17 Marso 1973 |
Pinagmulan | Dundalk, County Louth, Ireland |
Genre | Pop, rock, Celtic |
Trabaho | Musikero |
Instrumento | Yamaha 30th Anniversary Champagne Remo Drum Heads Zildjian Cymbals Brendan White bodhrán |
Taong aktibo | 1990–kasalukuyan |
Label | 143, Lava, Atlantic, Warner Music Group |
Website | thecorrswebsite.com |
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Caroline sa Dundalk, County Louth sa silangang baybayin ng Ireland, mga 50 milya hilaga ng Dublin, kina Jean at Gerry Corr. Lumaki siya bilang Romano Katoliko. May tatlong kapatid si Caroline: nakakatandang kapatid na babae na si Sharon Corr, nakakatandang kapatid na lalaki na si Jim Corr at nakakabatang kapatid na babae na si Andrea Corr. Katulad ng kanyang mga kapatid na babae, nag-aral siya sa Kumbento ng Dun Lughaidh.
Diskograpiya
baguhinMula sa bandang The Corrs:
Mga albums
baguhin- 1995: Forgiven Not Forgotten
- 1997: Talk on Corners
- 2000: In Blue
- 2004: Borrowed Heaven
- 2005: Home
Mga album na compilation at remix
baguhin- 2001: Best of The Corrs
- 2006: Dreams: The Ultimate Corrs Collection
- 2007: The Works
Mga album na live
baguhin- 1997: The Corrs - Live
- 1999: The Corrs Unplugged
- 2002: VH1 Presents: The Corrs, Live in Dublin
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ahern, Bertie (7 Nobyembre 2005). "Award of Honorary MBE to the Corrs". Roinn an Taoisigh. Nakuha noong 9 Nobyembre 2005.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga link na panlabas
baguhin- Opisyal na websayt ng The Corrs Naka-arkibo 2005-03-02 sa Wayback Machine.