Castelvecchio Subequo

Ang Castvetcchio Subequo (tinatawag ding Subrequo at Subrego ;Latin: Superaequum, Superequum) ay isang komuna at bayan sa lalawigan ng L'Aquila sa rehiyon ng Abruzzo, gitnang Italya, sa paanan ng Bundok Sirente.

Castelvecchio Subequo
Comune di Castelvecchio Subequo
Lokasyon ng Castelvecchio Subequo
Map
Castelvecchio Subequo is located in Italy
Castelvecchio Subequo
Castelvecchio Subequo
Lokasyon ng Castelvecchio Subequo sa Italya
Castelvecchio Subequo is located in Abruzzo
Castelvecchio Subequo
Castelvecchio Subequo
Castelvecchio Subequo (Abruzzo)
Mga koordinado: 42°7′52″N 13°43′43″E / 42.13111°N 13.72861°E / 42.13111; 13.72861
BansaItalya
RehiyonAbruzzo
LalawiganL'Aquila (AQ)
Pamahalaan
 • MayorPietro Salutari
Lawak
 • Kabuuan19.29 km2 (7.45 milya kuwadrado)
Taas
490 m (1,610 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan919
 • Kapal48/km2 (120/milya kuwadrado)
DemonymCastelvecchiesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
67024
Kodigo sa pagpihit0864
Santong PatronSan Juan Bautista
Saint day24 June
WebsaytOpisyal na website

Kasaysayan

baguhin

Ang Sinaunang Superaequum ay isang bayan ng Paeligni, isa sa tatlo na nagtataglay ng mga karapatan bilang munisipyo, at bukod dito ay nahati ang teritoryo ng mga taong iyon. Samakatuwid ito ay nabanggit kapuwa ni Plinio at sa Liber Coloniarum, kung saan ito ay tinawag na Colonia Superaequana. Nakatanggap ito ng isang kolonya ng mga beterano, marahil sa ilalim ng Augusto, kung saan idinagdag ang bagong dagdag na mga kolonyista sa paghahari ni Marco Aurelio.[4] Ang pangalan ay hindi binanggit ng anumang iba pang may-akda, ngunit maraming mga inskripsiyon ang nagpapatunay sa kahalagahang pangmunisipyo.

Matapos ang pananakop sa katimugang Italya ng mga Lombardo, kilala ito bilang Onuffolo o Nuffoli, na bumalik sa dating pangalan sa ilalim ng mga Normando. Nakuha nito ang isa pang pangalan nito (orihinal na Castvettere, nangangahulugang "matandang kuta") kalaunan sa Gitnang Kapanahunan.

Nasa isang burol ito sa kanang pampang ng ilog ng Aterno, at mga 7 kilometro (4 mi) sa kaliwa ng Via Valeria. Ang teritoryo nito marahil ay binubuo ng maburol na distrito sa pagitan ng kalsadang iyon at ng Aternus.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
  4. Plin. iii. 12. s. 17; Lib. Colon. p. 229; August Wilhelm Zumpt, De Coloniis p. 361.