Castor at Pollux

(Idinirekta mula sa Castor and Pollux)

Sa mga mitolohiyang Griyego at Romano, sina Castor at Polux, na tinatawag din bilang sina Castor[1] at Pollux[2] o kaya bilang Castor at Polydeuces[3] ay kambal na mga lalaking magkapatid, na kapag pinagsama ay nakikilala bilang ang mga Dioscuro o Dioscuri ("mga lalaking anak ni Zeus").[4] Ang kanilang ina ay si Leda, subalit si Castor ay ang mortal na anak ni Tyndareus na hari ng Isparta, at si Pollux ay ang dibino o banal na lalaking anak ni Zeus habang si Zeus ay nagbalatkayo bilang isang gansa. Bagaman ang mga salaysay hinggil sa kanilang kapanganakan ay magkakaiba, paminsan-minsang sinasabi na sila ay ipinanganak magmula sa isang itlog, na kasama sa pagluluwal na ito ang kanilang mga kapatid na babaeng sina Helena ng Troy at Clytemnestra.

Isang paris ng maliliit na mga estatwang Romano (ika-3 daantaon AD) na naglalarawan ng Dioscuri - ang magkakambal na sina Castor at Pollux - bilang mga mangangabayo, na nakasuot ng kanilang katangi-tanging "suklob na pambungo" (mga skullcap sa Ingles) (Metropolitan Museum of Art).

Sa Latin, ang kambal ay nakikilala rin bilang ang Gemini[5] o Castores.[6] Nang mapatay si Castor, hiniling ni Pollux kay Zeus na payagan siyang lumahok sa kaimortalan (mortalidad, ang pagiging namamatay; ayaw niyang maging imortal o hindi namamatay) ng kaniyang kakambal upang manatili silang magkasama, at sila ay binago upang maging ang konstelasyon na nakikilala bilang Gemini. Ang tambalan ay itinuturing bilang mga patron ng mga mandaragat, at lumilitaw sila sa mga mandaragat bilang apoy ni San Elmo, at mayroong din silang kaugnayan sa pangangabayo o pagkakabalyero.

Kung minsan, sila ay tinatawag bilang Tyndaridae o mga Tyndarid (Tyndarids, mayroong "s" kung maramihan sa wikang Ingles),[7] o mga Tindarida, na paglaon ay tinanaw bilang isang pagtukoy sa kanilang ama at ama-amahang (ama sa muling pag-aasawa ng tunay nilang ina) si Tyndareus.

Mga sanggunian

baguhin
  1.   /ˈkæstər/; Latin: Castōr, Griyego: Κάστωρ Kastōr "beaver" sa Ingles na nangangahulugang ang hayop na "kastor".
  2.   /ˈpɒləks/; Latin: Pollūx
  3.   /ˌpɒlɪˈdjsz/; Griyego: Πολυδεύκης Poludeukēs "sadyang napakatamis na alak"
    Bloomsbury (1996), "Dioscuri", Dictionary of Myth, London: Bloomsbury Publishing{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4.   /dˈɒskjər/; Latin: Dioscūrī; Griyego: Διόσκουροι Dioskouroi "mga anak na lalaki ni Zeus"
  5.   /ˈɛmɪn/; "kambal"
  6.   /ˈkæstərz/
  7.   /tɪnˈdɛrɪd/ o /ˈtɪndərɪdz/; Τυνδαρίδαι, Tundaridai