Catania
Ang Catania ang ikalawang pinakamalaking lungsod ng Sicilia sa Italya at ang kabesera ng Kalakhang Lungsod ng Catania.
Catania | |||
---|---|---|---|
Comune di Catania | |||
Tanawin ng Catania | |||
| |||
Mga koordinado: 37°30′0″N 15°5′25″E / 37.50000°N 15.09028°E | |||
Bansa | Italya | ||
Rehiyon | Sicilia | ||
Kalakhang lungsod | Catania (CT) | ||
Mga frazione | Bicocca, Codavolpe, Junghetto, Pantano d'Arci, Paradiso degli Aranci, Passo Cavaliere, Passo del Fico, Passo Martino, Primosole, Reitano, Vaccarizzo, Villaggio Delfino | ||
Pamahalaan | |||
• Mayor | Piero Mattei (Special Commissioner) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 182.9 km2 (70.6 milya kuwadrado) | ||
Taas | 7 m (23 tal) | ||
Demonym | Catanese | ||
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | ||
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | ||
Kodigong Postal | 95100 | ||
Kodigo sa pagpihit | 095 | ||
Kodigo ng ISTAT | 087015 | ||
Santong Patron | Santa Agueda | ||
Saint day | Pebrero 5 | ||
Websayt | Opisyal na website |
Sa pagkakaroon nito ng populasyon na 306 000 (750 000 sa kalakhan) ang Catania ang may ikalawang pinakamataas na kapal ng populasyon sa pulo. Ang patrono ng lungsod ay si Santa Agata. Matatagpuan ang Catania sa silangang baybayin ng pulo, sa kalagitnaan ng Messina at Siracusa, at sa kapaanan ng buhay na bulkan ng Bundok Etna.
Heograpiyang pisikal
baguhinGaya ng naobserbahan ni Estrabon, ang lokasyon ng Catania sa paanan ng Bundok Etna ay parehong isang sumpa at isang pagpapala. Sa isang banda, ang marahas na pagsabog ng bulkan sa buong kasaysayan ay sumira sa malaking bahagi ng lungsod, habang sa kabilang panig ang mga abo ng bulkan ay nagbubunga ng matabang lupa, lalo na nababagay para sa paglago ng mga baging. (Strab. vi. p. 269)
Dalawang subteraneong ilog ang tumatakbo sa ilalim ng lungsod; ang Amenano, na lumalabas sa isang punto sa timog ng Piazza Duomo, at ang Longane (o Lognina).[3]
Demograpiko
baguhinNoong Enero 2015, mayroong 315,601 katao ang naninirahan sa Catania, kung saan 47.2% ay lalaki at 52.8% ay babae. Ang mga menor de edad (mga taong wala pang 18 taong gulang) ay may kabuuang 20.50 porsiyento ng populasyon kumpara sa mga pensiyonado na may bilang na 18.87 porsiyento. Kumpara ito sa katamtamang Italyano na 18.06 porsiyento (mga menor de edad) at 19.94 porsiyento (mga pensiyonado).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Official ISTAT figures [1]
- ↑ Giuffrida Tino, Catania dalle origini alla dominazione normanna, Catania, Bonaccorso. Excerpt here (sa Italyano) [2]