Si Catherine Howard ( c. 1523 – 13 Pebrero 1542), ang kanyang pangalan ay binabaybay din bilang si Katheryn Howard. [b]Sya ay Reyna ng Inglatera mula 1540 hanggang 1541 bilang ikalimang asawa ni Haring Henry VIII. Siya ay anak nina Lord Edmund Howard at Joyce Culpeper, pinsan ni Anne Boleyn (ang pangalawang asawa ni Henry VIII), at pamangkin ni Thomas Howard, 3rd Duke ng Norfolk. Si Thomas Howard ay isang kilalang politiko sa korte ni Henry, sya ay binigyan ng lugar sa sambahayan ng ikaapat na asawa ni Henry na si Anne ng Cleves, kung saan nakuha niya ang interes ng Hari. Pinakasalan ni Catherine si Henry noong 28 Hulyo 1540 sa Oatlands Palace sa Surrey, 19 araw lamang pagkatapos ng pagpapawalang-bisa ng kasal ni Henry kay Anne. Siya ay 49, at si Catherine naman ay nasa pagitan ng 15 at 21 taong gulang, bagaman malawak na tinatanggap ng karamihan na siya ay nasa 17 na taong gulang sa panahon ng kanyang kasal kay Henry VIII.

Catherine Howard
Talaksan:Hans Holbein the Younger - Portrait of a Lady, sinasabing si Katherine Howard (Royal Collection).JPG
Isang portrait Miniature na sinasabing si Catherine Howard by Hans Holbein the Younger, c. 1540 (Royal Collection)
Queen consort of England
Tenure 28 July 1540 – 23 November 1541[a]
Asawa Henry VIII of England
(k. 1540)
Lalad Howard
Ama Lord Edmund Howard
Ina Joyce Culpeper
Kapanganakan c. 1523
Lambeth, London, England
Kamatayan 13 February 1542 (edad na 19)
Tower of London, London, England
Libingan 13 February 1542
Church of St Peter ad Vincula, Tower of London
Lagda

Si Catherine ay tinanggalan ng kanyang titulo bilang reyna noong Nobyembre 1541 at pinugutan ng ulo pagkaraan ng tatlong buwan sa kadahilanan ng pagtataksil at pangangalunya sa kanyang malayong pinsan na si Thomas Culpeper.

Pinagmulang Lahi

baguhin

Si Catherine ay may maharlikang mga ninuno bilang apo ni Thomas Howard, 2nd Duke ng Norfolk (1443 – 1524), ngunit ang kanyang ama na si Lord Edmund Howard, ay hindi mayaman, sapagkat sya ay ikatlong anak lamang ng kanyang ama – sa ilalim ng mga alituntunin ng primogeniture, ang panganay na anak ang magmamana ng lahat ng ari-arian ng ama.

Ang ina ni Catherine ay si Joyce Culpeper, Sya ay mayroon nang limang anak mula sa kanyang unang asawa na si Ralph Leigh ( c. 1476 – 1509) nang pakasalan niya si Lord Edmund Howard, sa kasal na ito nagkaroon sila ng anim pang mga anak, si Catherine ay ikasampung anak ng kanyang ina. Dahil kaunti lang ang mayroon ang kanilang pamilya, ang kanyang ama ay madalas na humingi ng tulong sa kanyang mas mayayamang kamag-anak.

Mga pananda

baguhin
  1. Sya ay pinagbawalang gamitin ang titulo noong 23 November 1541.
  2. There are several spellings of "Katherine". Her one surviving signature spells it "Katheryn". Biographer Lacey Baldwin Smith uses the common modern spelling "Catherine"; other historians use the traditional English form "Katherine", such as Antonia Fraser.