Buksan ang pangunahing menu

Si Anne Boleyn (1501 o 1507 – 19 Mayo 1536) ay ang pangalawang asawa ni Haring Henry VIII ng Inglatera at konsorteng reyna magmula 1533 hanggang 1536. Siya ang ina ni Elizabeth I ng Inglatera. Tinawag si Boleyn bilang ang pinaka maimpluwensiya at pinaka mahalagang konsorteng reyna ng Inglatera.[1] Si Boleyn ang dahilan kung bakit diniborsiyo ni Henry VIII si Catherine ng Aragon, at kung bakit naging malaya si Henry VIII mula sa Simbahang Katoliko Romano. Pinarusahan si Boleyn ng parusang kamatayan, dahil sa bintang na pangangalunya, pakikiapid sa kamag-anak, at labis na pagtataksil. Pinatay si Boleyn sa pamamagitan ng dekapitasyon (pagpugot ng ulo).

Anne Boleyn
Kapanganakan 1501
Blickling Hall
Kamatayan 19 Mayo 1536
Londres
Libingan Londres
Pagkamamamayan Kaharian ng Inglatera
Hanapbuhay queen consort
Pamagat Hari
Asawa Enrique VIII ng Inglatera (4 Pebrero 1533–29 Mayo 1536)
Anak Elizabeth I ng Inglatera
Mga magulang
  • Thomas Boleyn, Unang Konde ng Wiltshire
  • Elizabeth Boleyn, Kondesa ng Wiltshire
Mag-anak George Boleyn, Viscount Rochford, Mary Boleyn
Lagda

Mga sanggunianBaguhin

  1. Ives, p. xv.



    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.