Reynang konsorte
Ang isang reynang konsorte ay ang asawa ng isang naghaharing hari, o isang empratris na konsorte sa kaso ng isang emperador. Karaniwang binabahagi ng reynang konsorte ang katayuang panlipunan at ranggo ng kanyang esposo. Hinawakan niya ang pambabaeng katumbas ng pang-monarkiyang titulo ng hari, subalit sa kasaysayan, hindi niya binabahagi ang mga kapangyarihang pampolitika at militar ng rehente.
Sa kabaligtaran, ang reynang reynante ay isang reyna sa kanyang sariling karapatan na may lahat ng kapangyarihan ng isang monarko. Isa sa pinakakilalang halimbawa ng isang reynang reynante si Reyna Elizabeth I, ang anak nina Henry VIII at Anne Boleyn. Namayani siya bilang reynang reynante mula 1558 hanggang sa kamatayan niya noong 1603.[1]
Mga titulo
baguhinBihira ang titulong Haring Konsorte para sa asawa ng isang namamayaning reyna. Ilan sa halimbawa nito sina Henry Stuart, Panginoong Darnley, sa Eskosya at Francisco, Duke ng Cádiz, sa Espanya. Natamo nina Antoine ng Bourbon-Vendôme sa Navarre at Fernando II ng Saxe-Coburg-Gotha sa Portugal ang titulong hari, ngunit hindi haring konsorte, at kapwa-namumuno kasama ang namamayaning reynang asawa dahil sa kasanayang Jure uxoris. Karaniwan ang titulong Prinsipeng Konsorte para sa asawa ng isang namamamayaning reyna. Isang halimbawa dito si Albert ng Saxe-Coburg at Gotha, na, nang kinasal kay Reyna Victoria ng Reino Unido ng Gran Britanya at Irlanda at dahil sa pagpilit na ibigay sa kanya ang titulo ayon sa kanyang katayuan, naging Albert, Prinsipeng Konsorte.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Warnike, Retha (2007). "Elizabeth I: Gender, Religion and Politics". History Review. 58 (30): 30–31.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chancellor, Frank B. (1931). Prince Consort (sa wikang Ingles). New York: The Dial Press. pp. 215–218.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)