Elizabeth I ng Inglatera

Si Elizabeth I o Isabel I ng Inglatera, (Setyembre 7, 1533Marso 24, 1603) ay Reyna ng Inglatera at Reyna ng Irlanda mula Nobyembre 17, 1558 hanggang kanyang kamatayan. Binansagang Birheng Reyna (dahil nanatili siyang dalaga at nagpasyang hindi mag-asawa), Gloriana, Good Queen Bess (Mabuting Reynang Bess) at Faere Queene (Patas na Reyna), si Elizabeth I ang ikalima at huling monarka ng dinastiyang Tudor, matapos niyang sundan ang kanyang kapatid-sa-ama na si, Mary I. Naghari siya noong panahon ng malakihang kaguluhan sa relihiyon sa kasaysayan ng Inglatera. Bagamat sa mga kaguluhan ito sa matiwasay niyang pamumuno ito ay tinawag na Ginintuang Panahon ng Inglatera at sa kanyang panahon namukadkad ang mga ilang mahuhusay na manunulat ng kasaysayan.

Elizabeth I ng Inglatera
Kapanganakan7 Setyembre 1533 (Huliyano)
  • (Royal Borough of Greenwich, Kalakhang Londres, London, Inglatera)
Kamatayan24 Marso 1603 (Huliyano)
  • (London Borough of Richmond upon Thames, Kalakhang Londres, London, Inglatera)
LibinganWestminster Abbey
MamamayanKaharian ng Inglatera
Trabahomonarko
Asawanone
Anaknone
Magulang
PamilyaMaria I ng Inglatera
Henry FitzRoy, Unang Duke ng Richmond at Somerset
Edward VI ng Inglatera
Henry, Duke ng Cornwall
Pirma

Inglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.