Catherine Parr
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Si Catherine Parr (pinirmahan niya ang kanyang mga liham bilang Kateryn; 1512 – 5 Setyembre 1548 [4][5]) ay Reyna ng Inglatera at Ireland bilang ang huli sa anim na asawa ni Haring Henry VIII mula sa kanilang kasal noong 12 Hulyo 1543 hanggang sa kamatayan ni Henry noong 28 Enero 1547. Si Catherine ang huling reyna ng Sambahayan ng Tudor, nabuhay pa sya ng isang taon at walong buwan mula ng mamatay si Henry. Nagkaroon sya ng apat na asawa, at siya rin ang reynang Ingles na pinaka maraming beses naikasal. Siya ang unang babae na naglathala ng orihinal na akda sa ilalim ng kanyang sariling pangalan, sa Ingles, sa England. [6]
Catherine Parr | |
---|---|
larawan mula hindi pinangalanang manlilikha mula sa huling bahagi ng 16th siglo, National Portrait Gallery | |
Tenure | 12 Hulyo 1543 hanggang 28 Enero 1547 |
Asawa |
|
Anak | Mary Seymour |
Ama | Sir Thomas Parr |
Ina | Maud Green |
Kapanganakan | c. Agosto 1512[1] Blackfriars, London, England |
Kamatayan | 5 Setyembre 1548[2] (sa edad na 36) Sudeley Castle, Gloucestershire, England |
Libingan | 7 Setyembre 1548[3] St Mary's Chapel, Sudeley Castle |
Lagda | |
Pananampalataya | Protestante |
Naging malapit si Catherine sa tatlong anak nila ni Henry, sina Mary, Elizabeth at Edward. Siya ay personal na may partisipasyon at pagka-alam sa edukasyon nina Elizabeth at Edward. Siya ay naka-impluwensya sa pagpasa ni Henry ng Third Succession Act noong 1543 na nagpanumbalik sa kanyang mga anak na babae na sina Mary at Elizabeth sa linya ng paghalili sa trono. [7] Si Catherine ay hinirang na tagapamahala mula Hulyo hanggang Setyembre 1544 habang si Henry ay nasa isang kampanyang militar sa bansang France; sakaling mawalan si Henry ng buhay, siya ang mamumuno bilang tagapamahala hanggang sa pagdating ni Edward sa tamang edad. Gayunpaman, si Catherine ay hindi binigyan ni Henry ng anumang tungkulin sa gobyerno kung titingnan ang kanyang huling habilin. Kasunod ng pagkamatay ng hari, ginampanan niya ang tungkulin bilang tagapag-alaga sa kanyang anak na babae, na si Elizabeth.
Noong 25 Abril 1544, inilathala ni Catherine ang kanyang unang aklat, na may pamagat na Mga Awit o Mga Panalangin, nang hindi nagpakilala bilang may akda. [8] Ang kanyang aklat na Prayers or Meditations ay ang naging unang aklat na nailathala ng isang Ingles na reyna sa ilalim ng kanyang sariling pangalan noong 2 Hunyo 1545. Naglathala din siya ng ikatlong aklat na may pamagat na The Lamentation of a Sinner, noong 5 Nobyembre 1547. Dahil sa kanyang pakikiramay sa mga Protestante, pinukaw niya ang pagkapoot ng mga opisyal na kontra-Protestante, na nagresulta upang pabagsakin ang hari; isang warrant para sa pag-aresto sa kanya ang inilabas, marahil sa panahong ng tagsibol noong 1546. Gayunpaman, siya at ang hari ay agad namang nagkasundo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ James 2012, p. 18.
- ↑ James 2009, p. 294.
- ↑ Mueller 2011, p. 182.
- ↑ James 2009.
- ↑ Catherine Parr's tomb at Sudeley Castle has a plaque that says her death date is 5 September 1548. The inscription comes from a lead plate that is on her coffin.
- ↑ Mueller, 2011, p. 1.
- ↑ Jones 2010.
- ↑ Mueller 2011.