Kayena

(Idinirekta mula sa Cayenne pepper)

Ang siling kayena (Cayenne pepper) — tinatawag ding Guinea spice,[1] cow-horn pepper, aleva, bird pepper,[2] o pulang paminta (red pepper) pag pinulbos — ay isang siling maanghang, kulay pula kapag hinog na ngunit maaari ring kainin habang kulay berde pa. Isa itong kultibar ng Capsicum annuum, na kamag-anak ng siling kampana, halapenyo, paprika at iba pa. Ang saring Capsicum ay kabilang sa pamilya ng halamang nightshade (Solanaceae).

Siling Kayena
Isang malaking pulang kayena
Kaanghangan Maanghang
Sukatang Scoville30,000–50,000 SHU
Mga siling Thai, isang uri ng siling kayena

Ipinangalan ang siling ito sa lungsod ng Cayenne sa French Guiana.

Karaniwang pinapatuyo ang siling ito at dinudurog, o kaya'y minamasa at niluluto sa hurno, saka dudurugin at sinasala para maging pinulbos na pampalasa na tinatawag din sa parehong pangalan. Ginagamit ang siling itong pampaanghang sa mga lutuin, buo man o pulbos (gaya sa lutuing Koreano, Sichuan at iba pang lutuing Asyano). May sukat itong mula 30,000 hanggang 50,000 yunit sa Scoville scale, mas mababa ang anghang kumpara sa siling labuyo. Ginagamit din ito bilang halamang gamot, nabanggit pa nga ito ng botanikong Ingles na si Nicholas Culpeper sa kanyang librong Complete Herbal (1653), bilang "guinea pepper".[3] isang maling tawag sa "guiana pepper".[1]

Kasaysayan

baguhin

Dumating sa Kanlurang Mundo ang kayena mula sa Indiya noong 1548. Dating nakikilala ito bilang siling Ginnie o pamintang Ginnie (Ginnie pepper sa Ingles). Dating ginagamit ito, batay sa mungkahi ni Gerard, na panlunas para sa Iskropula o "Kasamaan ng Hari" ("Kabuktutan ng Hari", King's Evil sa Ingles), na isang impeksiyong limpatiko sa lalamunan at sa balat. Noong ika-19 daang taon, ginagamit din ng mga pisyomedikalista ang kayena para sa mga panlalamig o ginaw, rayuma, at panlulumo, dahil sa katangian nitong nakapagpapainit.[4]

Bilang yerba

baguhin

Isang mabisang pampasigla ng buong katawan ang kayena. Nakapagpapataas ito ng daloy ng dugo, nakapagpapasigla ng sistemang nerbyos, nakapagpapagana sa pagkain, nakatatanggal ng indihestiyon o impatso, nakapagpapasigla ng mga enerhiyang yang, at nakapanghihikayat ng pagpapawis. Bilang antibakteryal, mainam ito para sa mga may sipon at panlalamig o ginaw. Mainam ito para sa mga suliraning panglalamunan, katulad ng tonsilitis, laringhitis, at pagkamalat. May makabagong mga pananaliksik na nagpapakitang nakapagpapaampat ito ng hapding nararanasan sa buni (herpes zoster) at mga megrima (migranya) o matinding pananakit ng ulo.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Culpeper, Nicholas (1814) [1653]. "Guinea Pepper". Culpeper's Complete Herbal. David Hand (Web publication). Nakuha noong 2011-07-13.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Therapeutic Research Faculty (2009). "Capiscum". Natural Medicines Comprehensive Database (Consumer Version). WebMD. Nakuha noong 2011-07-13.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. The pepper from Guinea is Aframomum melegueta, "Malagueta pepper".
  4. 4.0 4.1 Ody, Penelope (1993). "Cayenne, Capsicum frutescens". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 46.

Tingnan din

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.