Si Cecille Castillo ay isang artista sa Pilipinas na nakakabatang kapatid ni Chona Castillo na isa rin artista sa Philippine Showbiz. Siya ay naging ganap na bituin sa pelikulang, "Ang Dalagang Pinagtaksilan ng Panahon" (1978) na dinirihe ni Celso Ad Castillo. Subalit nakita ni National Artist Lino Brocka ang acting potential niya kaya't siya ay napasama sa cast ng "Cain at Abel" (1982) at nagkaroon ng acting nomination sa iba't ibang award giving bodies. Noong 1983 ay gumanap siya ng mapaghamon papel sa "Karnal" sa pamamahala ni Marilou Diaz-Abaya. Ginampanan niya ang papel ni Puring, ang babaing nagdala ng ingay at gulo sa tahimik at liblib na barrio ng Mulawen. Dahil dito, naging nominado si Castillo sa lahat ng award-giving bodies bilang pangunahing actress. Siya nakasama rin sa cast ng "Alyas Baby Tsina" (1984) bilang bar hostess.

Panlabas na kawing

baguhin


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.