Centro Valle Intelvi
Ang Centro Valle Intelvi ay isang comune (komuna o munisipalidsad) sa Lalawigan ng Como sa rehiyon Lombardia ng hilagang Italya. Ito ay nilikha noong Enero 1, 2018 pagkatapos ng pagsasama ng dating comune ng Casasco d'Intelvi, Castiglione d'Intelvi, at San Fedele Intelvi.
Centro Valle Intelvi | |
---|---|
Comune di Centro Valle Intelvi | |
Mga koordinado: 45°58′N 9°05′E / 45.967°N 9.083°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Lombardia |
Lalawigan | Como (CO) |
Mga frazione | Casasco d'Intelvi, Castiglione d'Intelvi, San Fedele Intelvi |
Pamahalaan | |
• Mayor | Michele Giacomino |
Lawak | |
• Kabuuan | 19.66 km2 (7.59 milya kuwadrado) |
Taas | 799 m (2,621 tal) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 22022, 22023, at 22028 |
Kodigo sa pagpihit | 031 |
Kasaysayan
baguhinNoong Oktubre 22, 2017 isang reperendo ang isinagawa sa lahat ng 3 munisipalidad na nagbigay ng positibong resulta (1195 boto ang pabor at 455 ang tutal).[2]
Opisyal na itinatag sa Rehiyonal na Batas 11 Disyembre 11, 2017 n. 30, na inilathala sa Opisyal na Bulletin ng Rehiyong Lombardia n. 50, suplemento ng Disyembre 13, 2017, ang bagong munisipalidad ay nagpapatakbo mula noong Enero 1, 2018.
Simbolo
baguhinAng eskudo de armas at watawat ng munisipyo ng Centro Valle Intelvi ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng utos ng Pangulo ng Republika ng Hulyo 8, 2021.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
- ↑ Padron:Cita news