Certhiidae
Ang Certhiidae (Ingles: mga treecreeper o mga creeper) ay isang pamilya ng balingkinitan at maliliit na mga ibong nasa orden ng mga Passeriformes, na laganap sa mga rehiyong magugubat sa Hilagang Hemispero[1] at Aprikang Sub-Saharano. Naglalaman ang pamilyang ito ng sampung mga uring nasa loob ng dalawang mga sari, ang Certhia at ang Salpornis. Hinango ang katawagan sa kanila mula sa kanilang nakagawiang pag-akyat o paggapang sa puno upang humanap ng mga makakain, partikular na ng mga kulisap.[1]
Certhiidae | |
---|---|
Kayumangging manggagapang (Certhia americana) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Suborden: | |
Superpamilya: | |
Pamilya: | Certhiidae Leach, 1820
|
Mga sari | |
Mapanglaw ang kulay na kayumanggi ng mga balahibo ng mga ibong ito at batik-batik. Mayroon silang matitigas na mga buntot na ginagamit nila bilang pangtukod kapag umaakyat sa mga punungkahoy.[1]
Ang kayumangging manggagapang ang may pinakamalawak na sakop kapag inihambing sa lahat ng iba pang mga manggagapang na ibon. Matatagpuan ito mula sa Alaska hanggang Nikaragwa sa Bagong Mundo, at mula Siberia hanggang Hapon sa Matandang Mundo.[1]
Ilan sa mga ibong pikamadre ang tinatawag ding mga manggagapang ngunit hindi nila ginagamit ang kanilang mga buntot bilang mga pangtukod sa pag-akyat sa puno.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Creepers". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa C, pahina 620.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.