Ibon
Ang mga ibon[2] ay pangkat ng mga hayop na tinatawag na vertebrates (Tagalog: may-gulugod) o mga hayop na mayroong gulugod. Nabibilang sila sa class na kung tawagin ay Aves at karamihan sa kanila ay nakakalipad.
Ibon | |
---|---|
![]() | |
Isang larawan na nagpapakita ng iba't-ibang mga uri ng ibon; sa larawang ito, ipinapakita ang 18 na orden (mula sa itaas, pakanan): Cuculiformes, Ciconiiformes, Phaethontiformes, Accipitriformes, Gruiformes, Galliformes, Anseriformes, Trochiliformes, Charadriiformes, Casuariiformes, Psittaciformes, Phoenicopteriformes, Sphenisciformes, Pelecaniformes, Suliformes, Coraciiformes, Strigiformes, Piciformes. | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Dinosauria |
Klado: | Theropoda |
Klado: | Ornithurae Gauthier, 1986 |
Hati: | Aves Linnaeus, 1758[1] |
Subclasses | |
At tignan ang teksto |
Ang mga ibon ay mga warm-blooded o may mainit na dugo, at sila ay nangingitlog. Sila ay nababalutan ng balahibo at mayroon silang pakpak. Ang mga ibon ay may dalawang paa na pangkaraniwang binabalutan ng kaliskis. Mayrooon silang matigas na tuka at wala silang mga ngipin. Dahil ang mga ibon ay may mataas na init at lumalamon ng napakaraming enerhiya, sila ay nangangailangang kumain ng maraming pagkain kung ihahambing sa kanilang timbang. Mayroong mahigit sa 9,000 ibat-ibang uri ng ibon na kilala na.
Ang mga ibon ay matatagpuan sa bawat kontinente ng daigdig. Ang ibat-ibang klase ng ibon ay nasanay na sa kanilang tinitirahang lugar kung kaya't may mga ibong nakatira sa malalamig na lugar o lugar na puro yelo at ang iba naman ay nakatira sa ilang. Ang mga ibon ay maaring nakatira sa gubat, sa mga damuhan, sa mga mabatong bangin, sa tabing-ilog, sa mga mabatong baybayin, at sa mga bubungan ng mga bahay.
Ang mga ibon ay nasanay na ring kumain ng ibat-ibang uri ng pagkain depende sa kanilang kapaligiran. Karamihan sa mga ibon ay nabubuhay sa pamamagitan ng paglamon ng mga butong-kahoy at prutas. Ang iba naman ay kumakain ng mga luntiang halaman at dahon. Ang iba naman ay nabubuhay sa pagkain ng pulot-pukyutan mula sa mga bulaklak. Ang iba ay kumakain ng mga insekto. Ang iba naman ay kumakain ng isda, at pati rin ng mga patay na hayop.

Kaugnayan sa mga dinosaur
baguhinBatay sa mga ebidensiyang fossil at biyolohikal, ang mga ibon ay isang espesyalisadong subgroup ng mga theropod dinosaurs. Sa mas espesipiko, sila ay mga kasapi ng Maniraptora na isang pangkat ng mga theropod na kinabibilangan ng mga dromaeosaur at mga oviraptorid. Ang kasunduan sa kontemporaryong pag-aaral ng nakaraan ay ang mga ibon o mga avialan ay pinakamalapit na kamag-anak ng mga deinonychosaur na kinabibilangan ng mga dromaeosaurid at mga troodontid. Ang mga ito ay bumubuo ng isang pangkat na tinatawag na mga Parave. Ang ilang mga pangkat basal ng pangkat na ito tulad ng Microraptor ay may mga katangiang nagbibigay sa kanila ng kakayahang dumausdos o lumipad. Ang pinakabasal na mga deinonychosaur ay napakaliit. Ang ebidensiyang ito ay nagtataas ng posibilidad na ang ninuno ng lahat ng mga paravian ay maaring nakatira sa mga puno. Hindi tulad ng Archaeopteryx at mga may plumaheng dinosaur na pangunahing kumakain ng laman, ang mga pag-aaral ay nagmumungkahing ang mga unang ibon ay mga herbivores.
Ang Archaeopteryx ang isa sa mga unang fossil na transisyonal na natagpuan at nagbigay taguyod sa mungkahi ng ebolusyon noong huling ika-19 na siglo. ito ang unang fossil na nagpapakita ng parehong maliwanag na mga katangiang reptilian: mga ngipin, mga kuko, at isang mahabang tulad ng butiking buntot gayundin ang mga plumahe na katulad sa mga ibon. Ito ay hindi itinuturing na isang direktang ninuno ng mga ibon ngunit sakaling malapit na nauugnay sa tunay na ninuno ng mga ibon.
Piloheniya
baguhin
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Brands, Sheila (14 August 2008). "Systema Naturae 2000 / Classification, Class Aves". Project: The Taxonomicon. Nakuha noong 11 June 2012.
- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles. Maynila: Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas; ipinamamahagi ng National Book Store. p. 1583. ISBN 971-91055-0-X.
- ↑ Boyd, John (2007). "NEORNITHES: 46 Orders" (PDF). John Boyd's website. Nakuha noong 30 December 2017.Padron:Unreliable source
- ↑ Worthy, T.H.; Degrange, F.J.; Handley, W.D.; Lee, M.S.Y. (2017). "The evolution of giant flightless birds and novel phylogenetic relationships for extinct fowl (Aves, Galloanseres)". Royal Society Open Science. 11 (10): 170975. Bibcode:2017RSOS....470975W. doi:10.1098/rsos.170975. PMC 5666277. PMID 29134094.