Si Cesare Vincenzo Orsenigo (13 Disyembre 1873, Villa San Carlo, Italy – 1 Abril 1946, Eichstätt) ang Apostolikong Nunsiyo para sa Alemanya mula 1930 hanggang 1945 noong pag-akyat sa kapangyarihan ng Nazi at noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kasama ng embahador ng Alemanya sa Vaticano na si Diego von Bergen at kalaunang si Ernst von Weizsäcker, si Orsenigo ang direktang diplomatikong ugnayan sa pagitan ni Papa Pio XI at Papa Pio XII at ng rehimeng Nazi. Siya ay direktang nakipagpulong kay Adolf Hitler ng ilang mga beses at kadalasan ay kasama ng ibang mga matataas na ranggong opisyal at diplomata. Si Orsenigo ay malapit na kaibigan ni Achille Ratti na Arsobispo ng Milan. Hinirang si Orsenigo sa diplomatikong corps ng Vaticano nang si Ratti ay mahalal bilang si Papa Pio XI, bilang nuncio sa The Netherlands (1922–1925), Hungary (1925–1930), at Alemanya (1930–1945).

Si Orsenigo kasama ni Adolf Hitler at Joachim von Ribbentrop
Si Orsenigo na nakikipagkamay kay Joseph Goebbels

Si Orsenigo ay naniwala sa mga ideyal na pasistang Italyano at umaasang ang Aleman ay umunlad sa katulad nito.[1] Si Orsenigo ay isang kontrobersiyal na pigura sa kanyang mga kontemporaryo at nananatiling paksa ng batikos para sa kanyang pagtataguyod ng "kompromiso at konsilyasyon" sa Nazi partikular na ukol sa Holocaust.[2] Si Orsenigo ay hinirang na Apostolikong Nuncio sa Alemanya noong 25 Abril 1930. Ang posisyong ito ay nakaraang hinawakan ni Eugenio Pacelli (na naging Papa Pio XII) na hinirang namang kardinal. Si Orsenigo bilang nuncio ng Alemanya ay palaging tumatangging mamagitan para sa mga Hudyo sa rehimeng Nazi. Sa isang liham ni Orsenigo kay Pio XII noong 7 Marso 1933, tinantiya ni Orsenigo ma anim hanggang pitong milyon ng 13 milyong mga bumotong Katoliko ng Alemanya ay sumuporta sa partidong Nazi.[2] Ayon kay George Schuster, si Orsenigo ay prangkang maligaya sa pagkakahalal kay Hitler.[3] Noong Marso 1933, si Orsenigo ay nagsaad na ang "kompromiso at konsilyasyon" ang tanging opsiyon. Kanyang ikinatwiran na ang mga mas naunang pangkondena sa Nazismo ng mga obispong Katoliko ng Alemanya ay nauukol lamang sa panrelihiyon at hindi sa pampolitika na mga tenet nito.[2] Pagkatapos ng konklusyon ng Reichskonkordat noong 20 Hulyo 1933, hinikayat ni Orsenigo ang mga obispong Aleman na Katoliko na suportahan ang rehimeng Nazi. Pinarusahan ni Orsenigo ang obispong si August von Galen na patuloy na publikong bumatikos sa programang euthanasia ng Nazi na may isang kritikal na liham sa Roma.[4] Sa pagsulat noong 8 Mayo 1933 tungkol sa kanyang mas maagang pakikipagusap kay Hitler, isinaad ni Orsenigo na nakita ni Hitler ang Kristiyanismo bilang mahalaga sa pribadong buhay at sa estadong Aleman at sa hindi pakikipagtulungan ng mga Nazi, ang simbahang Aleman ay hindi makakaasang matatalo ang liberalismo, sosyalismo at Bolshevismo.[5]

Si Papa Pio XII ay binatikos ng ilan niyang mga kontemporaryo at mga historyan sa hindi nito pagpalit kay Orsenigo bilang nuncio. Ayon kay Phayer, "Kay Orsenigo, si Papa Pio XII ay may tamang lalake para sa trabaho. Isang pro-Aleman, antisemitikong pasista, si Orsenigo ay walang problema sa pagaangkop sa rehimeng Nazi sa Berlin.[6] Sa mga kautusan ni Pio XII, mainit at publikong binati ni Orsenigo si Hitler sa ika-50 kaarawan ng Führer.[4] Noong 4 Mayo 1939, dinalaw ni Orsenigo si Adolf Hitler sa Obersalzberg. Si Orsenigo ay inilipat sa Salzberg at inilipat sa tirahan ni Hitler kung saan ang dalawa ay pribadong nag-usap bago uminom ng tsaa kasama nina von Ribbentrop at katulong nitong si V. Hewel[7] Sa isang liham noong 1940 kay Pio XII, muling nangatwiran si Orsenigo nang pabor sa konsilyasyon na nagsasaad ng kanyang takot sa pagbagsak ng pagiging relihiyoso ng mga Katolikong Aleman malibang palubagin ng klero ang rehimeng Nazi at paginhawain ang mga kasapi ng simbahang Katoliko sa isang alitan ng konsiyensiya.[8]

Ang pangunahing katulong na pari ni Orsenigo ay isang kasapi ng partidong Nazi.[4] Hindi alam kung mismong alam ni Orsenigo ito ngunit ito ay tiyak na alam ni Robert Leiber na isang Heswitang Aleman na nagsilbi bilang isa sa pinakamalapit na kompidante ni Pio XII at tagapayo noong Ikalawaang Digmaang Pandaigdig.[9]

Noong 1941, si Orsenigo ay dinalaw ni Kurt Gerstein na isang Protestanteng opiser ng Schutzstaffel na personal na nakasaksi sa paglipol ng Nazi sa mga Hudyo at nais niya itong ipaalam sa Vaticano.[10] Nang malaman ni Orsenigo ang layunin ng pagdalaw ni Gerstein, tumanggi si Orsenigo na makipagkita sa kanya.[10] Ang mensahe ni Gerstein ay kalaunang ipinadala sa Vaticano ng auxiliaryong obispo ng Berlin, hindi ng opisina ng nuncio kung saan ang impormasyon ay umabot sa isang "patay na dulo".[10]

Iniwanan ni Pio XII ang pagkanuncio na bakante pagkatapos ng kamatayan ni Orsenigo noong 1946 hanggang sa hirangin niya si Aloisius Joseph Muench sa posisyong ito noong 1951.

Mga estilo ni
Cesare Orsenigo
Sangguniang estiloThe Most Reverend
Estilo ng pananalitaYour Excellency
Estilo ng relihiyosoMonsignor
Estilo ng pumanawnone

Mga sanggunian

baguhin
  1. Paul O'Shea, A Cross too Heavy, p.149
  2. 2.0 2.1 2.2 Goldman, 2004, p. 31.
  3. Lewy, 1964, p. 27.
  4. 4.0 4.1 4.2 Phayer, 2000, p. 45.
  5. Godman, 2004, p. 32.
  6. Phayer, 2000, p. 44.
  7. Cornwell, 1999, p. 224.
  8. Sánchez, 2002, p. 101.
  9. Phayer, 2000, p. 260.
  10. 10.0 10.1 10.2 Phayer, 2000, p. 46.