Kansilyer ng Alemanya

(Idinirekta mula sa Chancellor ng Alemanya)

Ang namumuno ng pamahalaan ng Alemanya ay tinatawag na Kansilyer Pederal (Aleman: Bundeskanzler) o simpleng Kansilyer (Aleman: Kanzler). Sa Politika ng Alemanya ang posisyon ay katumbas ng Punong ministro sa ibang bansa na may sistemang parlamentaryo. Ang huli ay hindi ginagamit sapagkat ang direktang pagsasalin nito sa Aleman ay Ministerpräsident (literal na "Pangulong Ministro"), na ekslusibong ginagamit para sa mga namumuno ng pamahalaan ng estado ng Alemanya (tinatawag na Bundesländer sa Aleman).

Kansilyer ng Alemanya
Coat of arms of the German Government
Incumbent
Olaf Scholz
Nasa Opisina: Disyembre 8, 2021
NagpasimulaKonrad Adenauer
Nabuo23 Mayo 1949
Websaytwww.bundeskanzlerin.de

Ang kasalukuyang Kansilyer ng Alemanya ay si Olaf Scholz, na nahalal noong Disyembre 2021.

Talaan ng mga Kansilyer

baguhin
Blg Talaksan Pangalan Buwang Nagsimula Buwang Nagtapos Partido pampolitika
1.   Konrad Adenauer 15 Setyembre 1949 16 Oktubre 1963 Christian Democrats
2.   Ludwig Erhard 16 Oktubre 1963 1 Disyembre 1966 Christian Democrats
3.   Kurt Georg Kiesinger 1 Disyembre 1966 21 Oktubre 1969 Christian Democrats
4.   Willy Brandt 21 Oktubre 1969 7 Mayo 1974 Social Democrats
3.   Walter Scheel1 7 Mayo 1974 16 Mayo 1974 Free Democrats
5.   Helmut Schmidt 16 Mayo 1974 1 Oktubre 1982 Social Democrats
6.   Helmut Kohl 1 Oktubre 1982 27 Oktubre 1998 Christian Democrats
7.   Gerhard Schröder 27 Oktubre 1998 22 Nobyembre 2005 Social Democrats
8.   Angela Merkel 22 Nobyembre 2005 8 Disyembre 2021 Christian Democrats
9.   Olaf Scholz 8 Disyembre 2021 kasalukuyan Social Democrats

1: Hiniling ni Willy Brandt sa Federal na Pangulo na huwag siyang italaga bilang gumaganap na kansilyer matapos ang kanyang pagreretiro, kaya naman ang Bise-Kansilyer (Walter Scheel) ang gumanap na kansilyer hanggang sa pagkakahalal ni Helmut Schmidt.

Hindi tanggap na mapa ng larawan na nilikha ng EasyTimeline