Charadriinae
Ang mga plover ay isang may malawak na pagpapamahaging pangkat ng mga ibong lumulusong sa tubig na kasali sa kabahaging mag-anak (subpamilya) nitong Charadriinae. Kilala sila sa pagsisid sa mga lawa upang maghanap ng mga isda. Mayroong mga 40 mga uri sa loob ng subpamilya nito, na ang karamihan ay tinatawag na "talingting". Binubuo ng iba pang may 20 mga uri ang pinakakalapit nitong subpamilyang Vanellinae.
Charadriinae | |
---|---|
Isang babaeng Charadrius ruficapillus. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Subpamilya: | Charadriinae Leach, 1820
|
Genera | |
Pluvialis |
Matatagpuan ang mga talingting sa buong mundo, at mayroong maiikling mga tuka bilang katangian. Naghahanap sila ng makakain sa pamamagitan ng paningin, sa halip na pandama na karaniwang ginagawa ng mga lumulusong sa tubig na ibong may mas mahahabang mga tuka.
Pangunahing pagkain nila ang mga kulisap, mga bulati, at iba pang mga imbertebrado, ayon sa kapaligirang pinamamalagian, na nakukuha nila sa pamamagitan ng pamamaraang "takbo at hinto", sa halip na walang maliw na pagsisiyasat na gawi ng ilan pang ibang manlulusong na mga ibon.
Sanggunian
baguhin- Sangster, G., Knox, A. G., Helbig, A. J. at Parkin, D. T. (2002). Taxonomic recommendations for European birds. Ibis, 144(1), 153–159. doi:10.1046/j.0019-1019.2001.00026.x PDF buong teksto