Charles III

hari ng United Kingdom mula 2022

Si Charles III ng Reyno Unido (ipinanganak noong 14 Nobyembre 1948 bilang Charles Philip Arthur George) ay ang Hari ng labing-anim na malayang bansang kasapi ng Nasasakupang Kakaraniwang-Yaman. Sa kasalukuyan, ang mga ito ay ang Reyno Unido, Kanada, Australya, Bagong Selanda, Hamayka, Barbados, Bahamas, Grenada, Papua Bagong Ginea, Kapuluang Solomon, Tubalu, Santa Lucia, San Vicente at ang Kagranadinahan, Antigua at Barbuda, Belis, at San Cristobal at Niyebes.

Charles III
Hari ng Reyno Unido at Komonwelt ng mga Bansa
Si Charles III ng Reyno Unido noong 2021
Paghahari8 Setyembre 2022 − kasalukuyan
Pangalan sa kapanganakanCharles Philip Arthur George
Kapanganakan (1948-11-14) 14 Nobyembre 1948 (edad 76)
Lugar ng kapanganakanPalasyo ng Buckingham, Londres, Reyno Unido
SinundanElizabeth II
Konsorte kayDiana, Princess of Wales (m.1981 div.1996)
Camilla, Duchess of Cornwall (m.2005)
Mga anakPrince William, Duke of Cambridge
Prince Harry of Wales

Siya ang panganay na anak nina Elizabeth II at Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh[1]. Hinawakan niya ang mga titulo na Prinsipe ng Wales at Earl ng Chester noong 1958 hanggang sa kanyang pag-akyat bilang hari noong 2022.[1]

Ikinasal si Prinsipe Charles sa kaniyang unang asawang si Diana, Prinsesa ng Wales magmula noong 1981 hanggang sa magdiborsiyo sila noong 1996.[1] Nagkaroon sila ng dalawang mga anak na lalaking sina Prinsipe William at Prinsipe Harry. Ikinasal si Charles sa kaniyang pangalawang asawang si Camilla, Dukesa ng Cornwall magmula noong 2005.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Talambuhay ng Prinsipe ng Wales". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-09. Nakuha noong 2012-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, United Kingdom at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.