Ang Tuvalu ay isang pulong bansa na matatagpuan sa Karagatang Pasipiko, nasa kalahati ito ng paglalakbay sa pagitan ng Hawaii at Australia.[1] Nangangahulugang "Walong Nakatayong Magkasama" ang pangalan nito sa wikang Tuvalu. Maliban sa maliit na Lungsod ng Vatican, ito ang bansang may pinakakaunting populasyon. Hinggil sa mababang elebasyon (5 metro, o 14 talampakan ang pinakamataas), nababahala ang mga pulo sa hinaharap na pagtaas ng lebel ng dagat. Maaaring lumikas ang mga nakatira dito sa mga susunod na mga dekada sa New Zealand, o Niue, isang maliit na pulo sa Pasipiko (may awtonomiya ngunit di-kaugnay sa New Zealand) na hindi nababahala sa pagtaas ng lebel ng dagat, ngunit nababawasan ang populasyon.

Watawat.

Mga sanggunian Baguhin

  1. "Tuvalu". The Commonwealth. Nakuha noong 23 February 2023.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.