Niue
Ang Niue (pagbigkas: nyu•wey) ay isang bansang pulo na nasa timog ng Karagatang Pasipiko. Karaniwan itong nakikilala bilang "Bato ng Polinesya". Mayroon itong sariling pamahalaan, subalit isa itong kaugnay na estado ng New Zealand. Dahil dito, nangangahulugan na ang ulo ng estado o pinuno ng estado ng Niue ay ang pinuno (ang reyna) ng New Zealand batay sa karapatan, at ang karamihan sa mga ugnayang pangdiplomasya ay isinasagawa ng pinuno ng New Zealand para sa kapakanan ng Niue. Ang teritoryo ay nasa 2,400 mga kilometro ng hilagang-silangan ng New Zealand na nasa loob ng isang tatsulok na nasa pagitan ng Tonga, Samoa, at ng Kapuluang Cook.
Niue Niue, Niuē-fekai | |||
---|---|---|---|
| |||
Mga koordinado: 19°03′00″S 169°55′00″W / 19.05°S 169.91666666667°W | |||
Bansa | Niue | ||
Bahagi ng | Polinesya | ||
Itinatag | 1974 | ||
Kabisera | Alofi | ||
Pamahalaan | |||
• Monarka | Elizabeth II, Charles III, Victoria ng Nagkakaisang Kaharian, Edward VII, George V ng Nagkakaisang Kaharian, Edward VIII, George VI | ||
• Gobernador-Heneral ng New Zealand | Cindy Kiro | ||
• Premier of Niue | Dalton Tagelagi | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 260.0 km2 (100.4 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2016) | |||
• Kabuuan | 1,612 | ||
• Kapal | 6.2/km2 (16/milya kuwadrado) | ||
Wika | Ingles | ||
Websayt | http://www.niueisland.com/ |
Mga sanggunian
baguhinMga panlabas na kawing
baguhin- Niue Naka-arkibo 2022-05-28 sa Wayback Machine.-Sa wikang ingles
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.