Chiron

(Idinirekta mula sa Cheiron)

Sa mitolohiyang Griyego, si Chiron /ˈkrən/ (binabaybay din bilang Cheiron o Kheiron; Griyego: Χείρων "kamay"[1]) ay itinuturing bilang ang pinakamahusay na sentauro sa piling ng kaniyang mga kasamahan. Siya ang sentauro na tumutulong sa pagsasanay ng mga demigod (kalahating tao at kalahating diyos). Isa siyang iginagalang at tinitingalang sentauro dahil sa kaniyang kabaitan (kabutihang-loob) at karunungan. Anak na lalaki siya na Cronus at nakatira sa Bundok ng Olympus. Kabilang sa mga tinuruan niya sina Heracles at Aeson. Hinggil kay Heracles, tinuruan siya ni Chiron bago magpunta sa Mundong Ilalim upang kuhanin ang isang prutas.

Si Chiron at si Achilles na inilalarawan ng isang fresco mula sa Herculaneum (Museo Archeologico Nazionale, Naples).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ihambing ang mga dactyl, "mga daliri sa kamay", sinaunang mga maestro ng sining ng metalurhiya at masasalamangkang mga tagapagpagaling ng mga may sakit.

Mga kawing na panlabas

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.