Bahay na Bughaw
Ang Bahay na Bughaw (Koreano: 청와대; Hanja: 靑瓦臺; Cheong Wa Dae; literal na "pabilyon ng baldosang bughaw")[1][2][3] ay ang pangunahing tanggapan and opisyal na panuluyan ng Timog Koreanong pinuno ng estado, ang Pangulo ng Timog Korea na matatagpuan sa distrito ng Jongno ng kabiserang Seoul. Sa katunayan, ang bahay na bughaw ay isang kabuuan ng mga gusali na binubuo ng mga estilong tradisyunal na Koreanong arkitektura na may mga makabagong elemento. Ang Bahay na Bughaw ang pinakaprotektadong tirahang opisyal sa Asya.
Bahay na Bughaw | |
---|---|
청와대 靑瓦臺 Cheong Wa Dae | |
Iba pang pangalan | Cheong Wa Dae |
Pangkalahatang impormasyon | |
Pahatiran | 1 Kalye Cheong Wa Dae, Distrito ng Jongno |
Bayan o lungsod | Seoul |
Bansa | Timog Korea |
Mga koordinado | 37°35′12″N 126°58′35″E / 37.586673°N 126.976268°E |
Kasalukuyang gumagamit | Moon Jae-in, Presidente ng Timog Korea |
Sinimulan | 22 Hulyo 1989 |
Natapos | 4 Setyembre 1991 |
Bahay na Bughaw | |
Hangul | 청와대 |
---|---|
Hanja | 靑瓦臺 |
Binagong Romanisasyon | Cheong(-)wadae |
McCune–Reischauer | Ch'ŏng'wadae |
Itinayo sa lugar ng makaharing hardin ng Dinastiyang Joseon (1392–1910), ibinubuo ngayon ang Bahay na Bughaw ng Bulwagan ng Punong Tanggapan Bon-gwan (Koreano: 본관; Hanja: 本館), ang Pampanguluhan Tirahan, ang Bahay ng Pagtanggap ng Estado Yeongbin-gwan (Koreano: 영빈관; Hanja: 迎賓館), ang Chunchu-gwan (Koreano: 춘추관; Hanja: 春秋館) Bulwagan ng Pamahayagan, at ang mga Gusali ng Kalihim. Sumasaklaw ang kabuuan ng halos 250,000 metro kwadrado o 62 akre.
Kasaysayan
baguhinAng lokasyon ng Cheong Wa Dae ay naging pwesto ng maharlikang bilya sa naging Hanyang dati, ang timugang kabisera ng dinastiyang Goryeo (918–1392). Itinayo ito ni Haring Sukjong (r. 1095–1105) noong 1104. Nasa Kaesŏng ang naging pangunahing kabisera ng Goryeo, at napanatili nito ang isang kanluraning kabisera sa Pyongyang at isang silangang kabisera sa Gyeongju.
Pagktapos ng paglipat ng kabisera ng Dinastiyang Joseon (1392–1897) patungo sa Hanyang, itinayo ang Palasyo ng Gyeongbok noong 1395, ang ikaapat na taon ng pamamahala ni Haring Taejo (r. 1392–1398) bilang pangunahing palasyo, at ang lote ng maharlikang bilya ay naging hardin sa likod ng palasyo. Ginamit ito bilang lugar para sa mga eksamen ng paglilingkod-bayan at pagsasanay militar.
Kasunod ng pagsakop ng Imperyong Koreano ng Imperyo ng Hapon, ginamit ng Gobernador-Heneral ng Korea ang Gyeongbokgung bilang Gusali ng Gobernador-Heneral. Noong Hulyo 1939, itinayo ng Hapon ang isang tirahang opisyal/opisina para sa gobernador-heneral sa lugar ng Cheong Wa Dae.
Sa pagtatag ng Republika ng Korea noong 1948, ang tawag ni Pangulong Syngman Rhee sa gusali ay "Gyeongmudae" (Koreano: 경무대; Hanja: 景武臺), na naging pangalan ng isa sa mga kaunting lumang gusali ng dating tirahang opisyal doon. Ginamit niyo ito bilang kanyang opisina at tirahan. Pinalitan ni Pangulong Yun Bo-seon ang pangalan tungo sa "Cheong Wa Dae" pagkapasinaya niya noong 1960.
Noong 1968, muntik na naabutan ng mga Hilagang Koreanong inpiltrado ang gusali sa pagtatangkang pumatay kay Pangulong Park Chung-hee noong pagsalakay ng Bahay na Bughaw. Sa sumunod na labanan, 28 Hilagang Koreano, 26 Timog Koreano at apat na Amerikano ang namatay.
Ginamit ng mga Pangulong Park Chung-hee, Choi Kyu-ha, at Chun Doo-hwan ang gusali bilang kanilang opisina at tirahang opisyal. Habang umupo si Pangulong Roh Tae-woo, itinayo ang bagong gusaling tanggapan, tirahang opisyal, at bulwagan ng pamahayagan na tinatawag na Chunchugwan. Binuksan ang pangunahing gusaling tanggapan noong Abril 1991. Noong 1993 sa pagkapangulo ni Kim Young-sam, binaklas ang gusaling itinayo ng Hapon para sa dating tirahang opisyal.
Tagpuan
baguhinMatagal nang itinuturing ng mga geomancer ang tagpuan ng Cheong Wa Dae bilang mapalad na lugar. Sinuportahan ang pananaw na ito ng inskripsyon sa batong pader na nagsaad na: "Ang Pinakapinagpalang Lugar sa Mundo", na natuklas sa likod ng opisya na pampanguluhang tirahan noong pagtatayo ng bagong gusali noong 1990. Pahilaga ang bundok Bukhansan, na inaagapay ng dalawang bundok, Naksan, na sumasagisag sa Bughaw na Dragon, sa kaliwa at Inwangsan, na sumasagisag sa Puting Tigre, sa kanan. Patimog ang Namsan, ang bundok pananggol ng kabisera. Sa harap dumadaloy ang batis Cheonggyecheon at Ilog Han.
-
Isa sa mga gusali sa Cheongwadae Sentro ng Tanggapan
-
Isa pang gusali sa Sentro ng Tanggapan
-
Malapit sa pasukan ng paligid ng Bahay na Bughaw
-
Bantayog sa kalsada sa harap ng Bahay na Bughaw, gusaling pampangasiwaan sa likuran
-
Tanawin ng Gyeongbokgung at ang Bahay na Bughaw sa paanan ng Bukhansan
-
Tanawin ng Bahay na Bughaw
-
Balong sa harap ng Bahay na Bughaw
-
Isang tulay na kumokonekta ng hardin patungo sa Sentro ng Tanggapan
-
Tanawin mula sa balkonahe ng sentro ng bisita
-
Pangulong George W. Bush sa Bahay na Bughaw noong Pebrero 2002.
-
Mga Pangulong Barack Obama at Lee Myung-bak sa loob ng Bahay na Bughaw noong Nobyembre 2010.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Romanization by the official website: english.president.go.kr Naka-arkibo 14 October 2006 sa Wayback Machine.
- ↑ "Cheong Wa Dae rules out renegotiation of FTA with US". Seoul: Yonhap News Agency. 20 Nobyembre 2009. Nakuha noong 12 Dis 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cheong Wa Dae Aims to End Graft in Defense Procurement". Chosun Ilbo. Seoul, South Korea. 9 Disyembre 2009. Nakuha noong 12 Disyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Office of the President Naka-arkibo 2006-10-14 sa Wayback Machine.