Chihiro Murata
Chihiro Murata (村田ちひろ)
Chihiro Murata | |
---|---|
Kapanganakan | 9 Disyembre 1991
|
Mamamayan | Hapon |
Nagtapos | Pamantasang Meiji |
Trabaho | batang artista |
Kapanganakan: 9 Disyembre 1991
Tirahan: Saitama
Ahensiya: Space Craft Group
Dugo: B
Taas: 163 cm
Naging regular na Terebi Senshi si Chihiro Murata sa programang Tensai Terebikun MAX(TTK) mula Abril 2000 hanggang Marso 2006. Marami-raming patalastas at programa sa telebisyon na rin ang kanyang nalabasan mula pa noong sanggol siya. Siya ang pinakamatagal na nanilbihang babaeng senshi. Nanilbihan siya ng anim na taon, kapantay ni Ryuichi Yamamoto. Nagpalit siya ng paraan ng pagsulat ng kanyang pangalan noong 2001 mula kanji hanggang hiragana. Noong 2004, naabot niya ang pagkasenior ng mga senshi at simula noon ay siya na ang humahawak sa Thursday Live na pagtatanghal. Kabilang siya sa Tiny Circus noong 2005 para sa mga ending MTK. Anak siya ng batikang aktor na si Tooru Murata.
Marunong siyang mag-kendo, gaya ng buong pamilya niya. Inilunsad ang kanyang opisyal na blogsayt noong Disyembre 2005.
Mga Pinagbidahan
baguhinTelebisyon
- Tensai Terebikun MAX (NHK) 2003-2005
- Tensai Terebikun WIDE (NHK) 2000-2002
- Quiz Japan (NHK BS-Hi)
Pelikula
- Pagsapit ng Gabi (1999)
Imprenta
- "Feather" Koleksiyon ng mga Litrato (Tatsumi Publishing)
DVD
- Smiling Face Story (Pure Image) 2005
Silipin Din
baguhinMga Kawing Panlabas
baguhin
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.