Child grooming
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Sa wikang Ingles, ang child grooming, na may diwang pagsinta sa bata, pagligaw sa bata, pagpapaamo ng bata, negatibong paghahanda sa bata, at maaari ring pagsisiyota ng bata, pagnonobyo sa bata o pagnonobya sa bata, ay ang pakikipagkaibigan sa isang bata na may diwang negatibo o hindi nararapat upang maihanda ang bata na tanggapin ang hindi naaangkop na gawain. Tumutukoy ito sa mga gawain kung saan ang layunin ay kaibiganin at magkaroon ng emosyonal na pakikipagkaintindihan sa isang bata upang mawala ang pagdududa nito sa paghahanda sa isang sekswal na aktibidad o pagsasamantala tulad ng pagtatrapiko ng bata. Ito ay maari ring gamitin upang akitin ang mga menor de edad sa mga malalaswang gawain tulad ng pornograpiya at/o prostitusyon. At kahit na ang mga kaso nito sa buong mundo ay heterohenoso o iba-iba, kadalasan ay sa kamay pa rin ng mga malapit na kakilala o kamag-anak ng bata nagmumula ang pang-aabuso. Dahil dito laging sinusundan ng pang-aabuso ang child grooming o "pag-aalaga ng bata" ("pangangalaga ng bata").
Pangkalahatang kaisipan
baguhinKasama sa child grooming ang manipulasyong pangsikolohiya (impluwensiyang sikolohikal) sa pamamagitan ng "positibong pagpapatibay" o "positibong pagpapatatag" (positive reinforcement) at mga "taktikang ang paa ay nasa loob na ng pintuan" (pahakbang nang papasok sa sitwasyon at hindi na makakalabas o foot-in-the-door tactics) kung saan ang gawaing ito ay kadalasang legal ngunit magiging ilegal sa hinaharap. Ginagawa ito upang makuha ang tiwala ng bata pati na rin ng mga taong responsable dito. Bilang karagdagan, ang pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang relasyon sa pamilya ng bata ay isang paraan upang makaiwas sa mga magiging sumbat o akusasyon.
Sa kaso ng "paghahandang seksuwal" (sexual grooming), ang mga imahe ng pornograpiya na may bata ang kadalasang ipinapakita bilang parte ng proseso ng grooming o "paghahanda".
Upang makabuo ng magandang relasyon sa bata at sa pamilya nito, maaring gumawa ng iba't ibang paraan ang mga child groomer o "mga naghahanda ng bata". Halimbawa, maari silang dagling magkaroon ng interes sa isang bata, maging kaibigan ng bata, at kunin ang tiwala nito. Maari rin silang magbigay ng pera o mga regalo sa bata ng walang kadahilanan gaya ng mga laruan at iba pa. Maari rin silang magpakita ng mga bidyo o larawa ng pornograpiya sa bata na may pag-asang mas mapapadali ang pagtanggap ng bata sa gawain. Maari silang makipag-usap na lamang ng mga paksang sekswal. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga paraang maaring gamitin ng isang child groomer upang makuha ang tiwala ng isang bata at upang sila ay hayaang gawin ang kanilang nais sa bata. Ang pagyapos o paghalik o iba pang gawaing pisikal, kahit ayaw ng bata, ay maaring mangyari. Para sa mga groomer, ito ay paraan upang mapalapit. Maaring gamitin ng groomer ang mga paksang madalas pinag-uusapan ng mga matatanda o ng magkaparehong edad bilang simila ng pag-uusap. Maaring ito ay ukol sa problema ng mag-asawa at iba pang mga suliranin. Maaari rin nilang kaibiganin ang mga magulang ng bata upang makuha ang tiwala ng mga ito. Hahanap ng paraan at oportunidad ang groomer upang magkaroon ng pagkakataon makasama ang bata ng mag-isa. Ito ay maaring mangyari sa pamamagitan ng pag-aalok na mag-alaga sa bata. Maari rin niyang yayain ang bata sa isang sleepover. Ang mga ito ay maaring makapagbigay ng pagkakataon sa groomer upang makatulog ng kasama ang bata sa iisang kama.
Ang mga gawain tulad ng pakikipag-ugnayan online ay mariing ipinagtanggol ng mga may sala gamit ang argumento ng fantasy defense o "pagtatanggol ng pantasya" kung saan ang mga na-akusahan ay tumutol na sila ay nagpapahayag lamang ng kanilang pantasya at hindi plano sa hinaharap. Sa Estados Unidos, may pagkakaiba ang dalawa kung kaya maraming mga groomer ang nakakatakas.
Sa Internet
baguhinIto ay nangyayari rin sa internet. May ibang mga nananamantala ang nagkukunwaring bata sa internet at nakikipagkita sa personal. Naging isang malaking isyu kung nagkakaroon nga ba ng masidhing pag-iingat ang facebook sa ganitong mga bagay. Si Jim Gamble, lider ng Child Exploitation and Online Protection Centre (Ceop) of the United Kingdom, ay nagsabi na noong Abril 2010 na ang kanyang opisina ay nakatanggap ng 292 na reklamo ukol sa mga gumagamit ng Facebook ngunit wala sa mga reklamo ang nanggaling mula sa Facebook. Ayon naman sa tagapagsalita ng Facebook, We take the issue of safety very seriously.
Noong 2003, inilunsad at ipinatupad ng MSN sa loob ng kanilang mga chat rooms ang ilang mga paghihigpit upang pangalagaan at protektahan ang mga bata mula sa mga matatandang naghahanap ng malaswang usapan. Noong 2005 naman, inimbestigahan ang Yahoo! chatrooms ng New York State attorney general's office dahil sa pagpayag sa mga gumagamit na gumawa ng mga rooms na nagsasabing ito ay malaswa. Oktubre ng parehong taon, pumayag ang Yahoo! na "implement policies and procedures designed to ensure" that such rooms would not be allowed"
Ang ilang mga organisasyong vigilante ay gumagamit ng operatiba na nagkukunwaring mga bata sa internet upang kumilala ng mga potensiyal na mga abuso at isinusuplong sila sa mga pulis at korte. Ang programa na Dateline NBC nagtatampok ng umuulit na segment, ang To Catch a Predator, ay naka-batay sa gawain ng mga sexual groomers.
Marami na ang mga computer programs ang binuo upang makatulong sa pagkilala ng grooming at magbigay ng babala sa mga magulang. Ang mga ganitong software ay nasusuri ng chatroom at iba pang Instant messaging logs para sa mga gawain na nalalapit sa grooming at iba pang kahinahinalang gawain. Ilang mga teknolohiya na rin ang iniangkop sa mga social networking services at TSP.
Krimen
baguhinPangkalahatan
baguhinSa ulat ng Protection of Children Against Abuse Through New Technologies, ang Council of Europe Cybercrime Convention Committee ay binigyang pansin ang lumalaking isyi ng karahasan laban sa mga bata sa pamamagitan ng mga bagong teknolohiya na naka-ugnay sa grooming sa pamamagitan ng internet o ng mobile phones.
Ilang mga estado ang ginawa ng krimen ang grooming sa kanilang batas.
Australia
baguhinAustralian Criminal Code Act 1995 section 474.26 and 474.27 ang nagbabawal s pagamit ng "carrier service" upang makipag-ugnayan na may layuning makuha ang mga taong mas mababa sa 16 ang edad o ilantad ang nasabing tao sa kahit na anong tipo ng grooming.
Ang ilan pang mga teritoryo at estado ay may katulad na palisiya, ang ilan sa mga ito ay gumagamit ng ibang edad (halimbawa, ang biktima ay mas bata sa 18 upang maging biktima sa Queensland.)
Canada
baguhinSa Canada, ginagawa ng Criminal Code section 172.1 na isang opensa ang makipag-ugnayan sa bata sa pamamagitan ng computer para sa layuning sekswal ("luring a child" o "pagbubuyo ng bata")
Nagkakaisang Kaharian
baguhinSa England at Wales naman, ginagawa ng sections 14 and 15 of the Sexual Offences Act 2003 isang krimes ang pag-aayos ng pakikipagkita sa isang bata, para sa sarili o sa ibang tao, na may intensiyong sekswal o pang-aabuso. Ang pagkikita mismo ay isang krimen.
Ang Protection of Children and Prevention of Sexual Offences (Scotland) Act 2005 ang nagpakilala ng kaparehong probisyon para sa Scottland.
Sa gayon, ang krimen ay maaring magawa kahit walang aktwal na pagkikita at walang bata na kasali sa pagkikita (halimbawa, kung isang pulis ay nagkunwaring bata).
Halimbawa ng pagsasakatuparan ng batas: "In R v T (2005) EWCA Crim 2681, the appellant, aged 43, had pretended to befriend a nine-year-old girl, but had done very little with her before she became suspicious and reported his approaches. He had a number of previous convictions (including one for rape) and was described as a "relentless, predatorypaedophile". The Court of Appeal upheld a longer than commensurate sentence of eight years' imprisonment with an extended license period of two years."
Estados Unidos
baguhinSa US, ginagawa ng 18 U.S.C. § 2422 isang krimen ang opensa sa paggamit ng interstate mail at iba pa upang makapang-akit ng mga menor de edad sa isang gawaing sexswal kung saan ang isang tao ay maaring sampahan ng kaso. Ginagawa naman ng 18 U.S.C. § 2425 isang krimen ang pagkalat ng impormasyon tungkol sa isang tao na mas bata sa 16 na taong gulang. May ibang mga estado ang may mga karagdagang batas na sasakop sa pang-aakit ng mga bata sa internet gaya ng Florida law kung saan "Use of a Computer to Seduce a Child" ay isang krimen.
Tingnan din
baguhin- Personal grooming, good grooming, well-groomed, o preening, isang positibong gawain ng tao o hayop na may kaugnayan sa gawaing pangkalinisan para sa sariling katawan (pangangalaga ng sariling hitsura)