Hangul

(Idinirekta mula sa Chosŏn'gŭl)

Ang alpabetong Koreano, kilala bilang Hangul o Hangeul[note 1], IPA [ha(ː)n.ɡɯl], sa Timog Korea o Chosŏn'gŭl, IPA [t͡ɕo̞.sʰʌ̹n.ɡɯɭ], sa Hilagang Korea, ay ginagamit para isulat ang wikang Koreano mula noong kanyang paglikha sa ika-15 siglo ni Haring Sejong ang Dakila.[2][3]

Alpabetong Koreano
한글 Hangul o Hangeul
조선글 Chosŏn'gŭl
UriAlphabetong Pitural
Mga wikaKoreano, Jeju, Cia-Cia, Taiwanes
Opisyal na iskrip ng:
 Timog Korea
 Hilagang Korea
 Tsina (Lalawigan ng Jilin: Nagsasariling Prepekturang Koreano ng Yangbian at Koreanong Nagsasariling Kondehang Koreano ng Changbai)
LumikhaSejong ng Joseon
Panahon1443–kasalukuyan
ISO 15924Hang, 286
DireksyonKaliwa-kanan
Alyas-UnicodeHangul
Karaniwang isinusulat ang Hangul nang pahalang, pakaliwa-kanan. Kung isinusulat nang patayo tulad ang nakaraan, ang sistema ng pagsulat ay itaas-pababa at kadalasang kanan-pakaliwa, ngunit minsan ay itaas-pababa at kaliwa-pakanan.
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA.
Mga titik-hangul

Itong mga ponograma ang opisyal na sistema ng pagsulat ng Korea, kapwa Timog Korea at Hilagang Korea. Kapwa opisyal na sistema ng pagsulat ito sa Nagsasariling Prepekturang Koreano ng Yanbian and Nagsasariling Kondehang Koreano ng Changbai sa Lalawigan ng Jilin, Tsina. Paminsan-paminsan, ginagamit ito para isulat ang wikang Cia-Cia na sinasalita malapit sa bayan ng Baubau, Indonesya. Naglinang at gumamit si Xu Caode (1987), isang dalubwikang Taiwanes para kumatawan sa sinasalitang Hokkieng Taiwanes, at kalaunang sinuporta ni Ang Ui-jin (tingnan ang Hangul Taiwanes).[4][5]

Dati, binuo ang alpabetong Hangul ng 28 titik na may 17 katinig at 11 patinig noong paglikha nito. Dahil naging laos ang apat, binubuo ang makabagong Hangul ng 24 titik na may 14 katinig at 10 patinig. Sa Hilagang Korea, ang kabuuan ay 40. Binubuo ito ng 19 katinig at 21 patinig dahil isinasama rin nito ang 5 tense na katinig (ㄲ ㄸ ㅃ ㅉ ㅆ) at 6 tambalang at hugnayang patinig pati na rin angㅐatㅔ.

Isinusulat ang mga Koreanong titik sa mga blokeng papantig kung saan nakaayos ang mga titik sa dalawang dimensyon. Halimbawa, ang salitang Koreano para sa "pukyutan" (kkulbeol) ay isinusulat bilang 꿀벌, hindi ㄲㅜㄹㅂㅓㄹ.[6] Dahil pinagsama-sama nito ang mga katangian ng mga pang-abakada at papantig na sistemang pagsulat, inilalarawan ito bilang "abakadang pantigan" ng iilang dalubwika.[7][8] Tulad ng tradisyonal na Tsinong pagsulat, kinaugaliang isinulat ang mga Koreanong teksto itaas-pababa, kanan-pakaliwa, at kung minsan, ay isinusulat pa rin nang ganito para sa kanyang istilo. Ngayon, karaniwang isinusulat ito kaliwa-pakanan na may puwang sa pagitan ng mga salita at Kanluraning bantas.[9]

Isinasaalang-alang ito ng ilang dalubwika bilang isa sa mga pinakatapat na sistema ng pagsulat ayon sa ponolohiya na ginagamit sa mundo ngayon. Isang katanigan ng Hangul ay tila ginagaya ng kanyang mga hugis ang hugis ng nagsasalita habang binibigkas ang bawat katinig.[7][9][10]

Pangalan

baguhin
Koreanong pangalan
Hangul한글
Binagong RomanisasyonHan(-)geul
McCune–ReischauerHan'gŭl[11]
IPAPagbabaybay sa Koreano: [ha(ː)n.ɡɯl]

Mga pangalang opisyal

baguhin
 
Ang salitang "Hangul" na nakasulat sa alpabetong Koreano
 
Kaligrapiyang Koreano

Hunminjeong'eum (훈민정음) ang dating tawag sa alpabetong Koreano, ipinangalan sa dokumentong nagpakilala sa sulat sa mga Koreano noong 1446 na isinulat ni Haring Sejong ang Dakila.[12]

Ang alpabetong Koreano ay tinatawag na hangeul (한글), isang pangalang nilikha ni Ju Si-gyeong, isang Koreanong dalubwika, noong 1912.

Pinagsama-sama ng pangalan ang sinaunang salitang Koreano, han (), na nangangahulugang "dakila", at geul (), na nangangahulugang "iskrip". Ginagamit din ang salitang han para tumukoy sa Korea sa pangkalahatan, kaya nangangahulugan din ng "Sulat Koreano" ang pangalan.[13] Naromanisa sa maramihang paraan:

  • Hangeul o han-geul sa Binagong Romanisasyon ng Koreano na ginagamit ng pamahalaang Timog Koreano sa mga paglalathala sa Ingles at hinihikayat para sa lahat ng layunin.
  • Han'gŭl sa sistemang McCune–Reischauer, at kadalasang isinusulat sa malaking titik at isinasalin nang walang tuldik kapag ginagamit bilang salita sa Ingles, Hangul, katulad ng lumilitaw sa mararaming diksyunaryong Ingles.
  • Hānkul sa romanisasyong Yale, isang sistemang hinihikayat para sa teknikal na araling dalubwika.

Sa Hilagang Korea, Chosŏn'gŭl (조선글) ang tawag dito na ipinangalan sa Chosŏn, ang Hilagang Koreanong pangalan para sa Korea na tinatawag ang kanilang sarili bilang Joseon na nagmula sa sinaunang bansa Gojoseon. [14] Ginagamit ang sistemang McCune–Reischauer doon.

Ibang pangalan

baguhin
 
"Hanguk" (Timog Korea) sa Hangul (itaas) at Hanja (ibaba)

Hanggang sa ika-20 siglo, mas ginustong magsulat ang mga kapiliang Koreano gamit ang titik Tsino na tinatawag na Hanja. Tinukoy nila ang Hanja bilang jinseo (진서/真書) o "totoong titik". Sinasabi ng ilang salaysay na itinuring ng kapilian ang alpabetong Koreano nang may panunuya bilang 'amkeul (암클) na nangangahulugang "pambabeng sulat", at 'ahaetgeul (아햇글) na nangangahulugang "pambatang sulat", ngunit walang nakasulat na ebidensiya nito.[15]

Tinukoy ito ng mga nagtaguyod ng alpabetong Koreano bilang jeong'eum (정음/正音) na nangangahulugang "tamang pagbigkas", gukmun (국문/國文) na nangangahulugang "pambansang sulat", at eonmun (언문/諺文) na nangangahulugang "sulat bernakular".[15]

Kasaysayan

baguhin

Paglikha

baguhin

Bago ang paglikha ng makabagong alpabetong Koreano, ipinansulat ng mga Koreano ang Klasikong Tsino kasama ng mga katutubong sistema ng pagsulat na nanguna sa makabagong alpabetong Koreano nang daan-daang taon, kabilang ang sulat-Idu, Hyangchal, Gugyeol at Gakpil.[16][17][18][19] Subalit mangmang ang karamihan ng Koreanong masa dahil sa mga makabuluhang pagkakaiba ng mga wikang Koreano at Tsino at sa napakaraming titik.[20] Upang itaguyod ang kakayahang bumasa’t sumulat sa mga karaniwang tao, nilikha at ipinalaganap mismo ng ikaapat na hari ng dinastiyang Joseon, Sejong ang Dakila, ang isang makabagong alpabeto.[3][20][21]

 
Isang pahina mula sa Hunminjeong'eum Eonhae. Ang tudling na may Hangul lamang, ikatlo mula sa kaliwa (나랏말ᄊᆞ미), ay may tuldik pandiin-tono sa kaliwa ng mga blokeng papantig.

Idinsenyo ang alpabetong Koreano para makabasa at makasulat ang mga taong may kakaunting edukasyon. Isang sikat na kasabihan tungkol sa alpabeto ay "Masasanay ang pantas na tao sa kanila bago matapos ang umaga; kahit ang taong hangal ay matutuhan nito sa loob ng sampung araw."[22]

Nakumpleto ang proyekto noong huling bahagi ng Disyembro 1443 o Enero 1444, at inilarawan noong 1446 sa dokumentong pinamagatang Hunminjeong'eum (Ang Tamang Tunog para sa Edukasyon ng mga Tao) na ipinangalan sa dating pangalan mismo ng alpabeto.[15] Ang petsa ng paglalathala ng Hunminjeongeum, Oktubre 9, ay naging Araw ng Hangul sa Timog Korea. Ang kanyang katumbas sa Hilagang Korea, Araw ng Chosŏn'gŭl, ay sa Enero 15.

Nadiskubre rin noong 1940 ang isa pang dokumento na inilathala noong 1446 at pinamagatang Hunminjeong'eum Haerye ("Hunminjeong'eum Paliwanag at mga Halimbawa"). Ipinapaliwanag ng dokumento na nakabatay ang disenyo ng katinig sa tiniging palabigkasan at nakabatay ang disenyo ng patinig sa mga prinsipyo ng yin at yang at pagkakasundo ng patinig.

Pagsalungat

baguhin

Napaharap ang alpabetong Koreano noong dekada 1440 sa pagsalansang ng edukadong kapilian, kabilang si Choe Manri, isang pulitika, at mga ibang Koreanong Confucianong iskolar. Pinaniwalaan nila na ang Hanja ay ang tanging lehitimong sistema ng pagsulat. Nakita rin nila ang pagkalaganap ng alpabetong Koreano bilang panganib sa kanilang estado.[20] Subalit sumikat pa rin ang alpabetong Koreano gaya ng binalik ni Haring Sejong na ginamit lalo na ng mga kababaihan at manunulat ng popular na kathang-isip.[23]

Ipinagbawal ni Haring Yeonsangun ang pag-aaral ng paglathala ng alpabetong Koreano noong 1504, pagkatapos ng paglathala ng dokumento na nagbatikos sa hari.[24] Gayundin, inabolisa ni Haring Jungjong ang Ministro ng Eonmun, isang institusyon ng pamahalaan na may kinalaman sa pananaliksik ng Hangul, sa 1506.[25]

Muling pagsilang

baguhin

Gayunman noong huling bahagi ng ika-16 siglo, nagkaroon ng muling pagsilang ng alpabetong Koreano sa pagkalago ng panulaang gasa at sijo. Sa ika-17 siglo, naging malaking klase ang mga nobela sa alpabetong Koreano.[26] Subalit ginamit ang alpabetong Koreano nang hindi nagkaroon ng sapamantayang ortograpikal nang matagal na panahon. Kaya naging iregular ang pagbaybay.[23]

 
Songangasa, isang koleksyon ng tula ni Jeong Cheol, inilathala noong 1768.

Sa 1796, si Isaac Titsingh, isang Olandes na iskolar ang naging unang tao na magdala ng aklat na nakasulat sa wikang Koreano sa mundong Kanluranin. Kabilang sa kanyang koleksyon ng libro ang Hapones na Sangoku Tsūran Zusetsu (Isang Isinalarawang Deskripsyon ng Tatlong Bansa) ni Hayashi Shihei.[27] Inilarawan ng libro na inilathala noong 1785 ang Kaharian ng Joseon[28] at ang alpabetong Koreano.[29] Noong 1832, isinuporta ng Pondo ng Silanganing Pagsasalinwika ng Gran Brtianya at Irlanda ang postumong pinaikling paglathala ng pagsasalinwikang Pranses ni Titsingh.[30]

Dahil sa lumalagong nasyonalismong Koreano, sa pagtaguyod ng Repormistang Gabo, at pagtaguyod ng mga Kanluraning misyonero ng alpabetong Koreano sa mga paaralan at panitikan,[31] opisyal na pinagtibay ang Hangul sa mga dokumentong opisyal sa unang pagkakataon noong 1894.[24] Nagsimulang gumamit ang mga elementaryong tekstong pampaaralan ng alpabetong Koreano noong 1895, at ang Tongnip Sinmun na inilathala noong 1896, ang unang dyaryo na inilathala sa Koreano at Ingles.[32]

Mga reporma at pagbabawal sa pamamahalang Hapones

baguhin

Pagkasakop ng mga Hapones noong 1910, naging wikang opisyal ng Korea ang Hapones. Gayunman, itinuro pa rin ang alpabetong Koreano sa mga paaralang itinatag ng mga Koreano na itinayo pagkatapos ng pananakop at isinulat ang Koreano sa halong Hanja at Hangul kung saan nakasulat ang mga leksikong ugat sa Hanja at mga anyong pambararila sa alpabetong Koreano. Ipinagbawal ng Hapon ang maagang Koreanong panitikan sa pampublikong edukasyon na naging sapilitan para sa mga kabataan.[kailangan ng sanggunian]

Bahaygang isinapamantayan ang ortograpiya ng alpabetong Koreano noong 1912, kung kailan ang patinig arae'a () – na nawala na sa Koreano – ay naging limitado sa mga Sino-Koreanong ugat: isinapamantayan ang mga enpatikang katinig para maging ㅺ, ㅼ, ㅽ, ㅆ, ㅾ at naging limitado ang huling katinig sa ㄱ, ㄴ, ㄹ, ㅁ, ㅂ, ㅅ, ㅇ, ㄺ, ㄻ, ㄼ. Minarkahan ang mga mahabang pantig ng tuldik-tuldok sa kaliwa ng pantig, ngunit tinanggal ito noong 1921.[23]

Nagkaroon ng ikalawang repormang kolonyal noong 1930. Inalis ang arae-a: ipinalit ang mga enpatikang katinig sa ㄲ, ㄸ, ㅃ, ㅆ, ㅉ at pinayag ang mas maraming huling katinig ㄷ, ㅈ, ㅌ, ㅊ, ㅍ, ㄲ, ㄳ, ㄵ, ㄾ, ㄿ, ㅄ, kaya naging mas morpoponemiko ang ortograpiya. Isinulat ang dobleng-katinig nang walang kasama (walang patinig) noong nagkaroon nito sa gitna ng mga pangngalan, at ang katagang palagyo -가 ay ipinakilala pagkatapos ng mga patinig na pumalit sa -이.[23]

Itinayo ni Ju Si-gyeong, ang dalubwikang umimbento ng salitang Hangul para pumalit sa Eonmun o "Sulat-Bulgar" noong 1912, ng Sosyedad ng Pananaliksik sa Wikang Koreano (kalaunang ipinangalan muli bilang Sosyedad ng Hangul) na nagreporma pa ng ortograpiya sa pamamagitan ng Isinapamantayang Sistema ng Hangul noong 1933. Ang pangunahing pinabago ay para gawing mas praktikal sa aspetong morpoponemika hangga't maaari sa mga umiiral na titik.[23] Inilathala ang isang sistema para sa pagsasatitik ng banyagang ortograpiya noong 1940.

Ipinagbawal ng mga Hapon ang wikang Koreano sa mga paaralan noong 1938 bilang bahagi ng patakaran sa paglalagom ng kultura,[33] at ipinagbawal din ang lahat ng mga publikasyon sa wikang Koreano noong 1941.[34]

Higit pang reporma

baguhin
 
Kapihang Koreanong may Hangul

Ang depinitibong makabagong ortograpiya ng alpabetong Koreano noong 1946, pagkatapos lang ng pagkamalaya ng Koreano mula sa pamumuno ng mga Hapon. Noong 1948, tinangka ng Hilagang Korea na gawing ganap na morpoponemiko sa padaragdag ng mga bagong titik, at noong 1953, sinubukan ni Syngman Rhee na payakin ang ortograpiya sa pagbalik sa ortograpiyang kolonyal noong 1921, ngunit inabandona ang dalwang reporma pagaktapos ng iilang taon.[23] Nagamit ng Hilagang Korea at Timog Korea ang alpabetong Koreano o halong sulat bilang kanilang opisyal na sistema ng pagsault na may paunti nang paunting paggamit ng Hanja. Simula noong dekada 1970, nagsimulang humina nang unti-unti sa kakalaking at di-opisyal na sulat sa Timog dahil sa pakikialam ng gobyerno. Ginagamit na lang ngayon ng iilang Timog Koreanong dyaryo ang Hanja para sa mga pagdadaglat at paglilinaw ng mga kasintunog. Nagkaroon ng laganap na debate tungkol sa kinabukasan ng Hanja sa Timog Korea. Itinatag ng Hilagang Korea ang alpabetong Koreano bilang kanyang eksklusibong sistema ng pagsulat noong 1949, at ganap na ipinagbawal ang paggamit ng Hanja.

Kapanahong paggamit

baguhin
 
Isang elementaryong karatula ng paaralan sa Baubau na nakasulat sa alpabetong Latin at alpabetong Hangul.

Samantalang pinapahayag ng Hilagang Korea at Timog Korea ang 99 porsyentong kanulatan, natuklas ng isang pagsusuri noong 2003 na 25 porsyento ng mga nakatatandang salinlahi sa Timog ay hindi gaanong nulat sa alpabetong Koreano.[35]

Tinatangka ng Sosyedad ng Hunminjeong'eum sa Seoul ang pagkalat ng alpabetong Koreano sa mga wikang di-nakasulat sa Asya.[36] Noong 2009, opisyal na tinanggap ang alpabetong Koreano sa bayan ng Baubau, sa Timog-silangang Sulawesi, Indonesya, upang masulat ang wikang Cia-Cia.[37][38][39] Lubusang napansin ng midya sa Timog Korea ang mga Indonesyong nananalita ng Cia-cia na bumisita sa Seoul. Nabati sila sa kanilang pagdating ni Oh Se-hoon, ang alkalde ng Seoul.[40] Nakumpirma noong Oktubre 2012 na nabigo ang mga tangka na ipalaganap ang paggamit ng alpabetong Koreano sa Indonesya.[41] Ginagamit pa rin ng ilan ang alpabetong Koreano sa bahay o sa ko-opisyal na paraan.

Palatitikan

baguhin

Ang mga titik ng Hangul ay tinatawag na jamo (자모). May 19 mga katinig at 21 mga patinig na ginagamit sa makabagong Hangul.

Mga katinig

baguhin
 
Mga titik ng Hangul at gabay sa pagbigkas. (Nakasulat ang mga paliwanag sa Ingles.)

Ang mga sumusunod na katinig ay ginagamit sa makabagong Hangul:

  • 9 ordinaryong katinig: ㄱ, ㄴ, ㄷ, ㄹ, ㅁ, ㅂ, ㅅ, ㅇ, ㅈ
  • 5 panahunang katinig: ㄲ, ㄸ, ㅃ, ㅆ, ㅉ
  • 5 aspiradong katinig: ㅊ, ㅋ, ㅌ, ㅍ, ㅎ

Ipinapakita ng talababa ang lahat ng 19 na mga katinig sa kaayusan ng alpabetikong Timog Koreano kasama ang mga katumbas na Binagong Romanisasyon sa bawat titik. Maaring mag-iba ang tunog ng mga katinig ng Hangul depende kung sila'y una o huling titik sa isang pantig. Ilang mga katinig ay nakikota lamang sa una o huling puwesto sa isang pantig.

Mga titik (Binagong Romanisasyon)
Una/Simula g kk n d tt r m b pp s ss (walang tunog) j jj ch k t p h
Huli* k k n t l m p t t ng t t k t p h
Paglagom: pagsasama-sama sa pagitan ng naunang huling titik ng salita* (itaas na hilera) binibigkas bilang + susunod na unang titik ng salita** (ibabang hilera) binibigkas bilang:

(e.g. 강루 - kang+ru = kang+nu, 있어 - iss+eo = is-seo, -합니다 - -hap+ni+da = -ham-ni-da)

Susunod na unang titik ng salita** ㅇ(ng) g kk+h n t - r m p - s ss ng+h t+ch - t+ch k+h t+h p+h h
ㅎ(h) k kk+h h t - l h p - t - n t - t k t p -
ㄱ(k) k+k n+g t+g - l+g m+g b+g - t+g - ng+g t+g - t+g t+g p+g h+k
ㄴ(n) g+n - l+n m+n m+n - t+n n+n ng+n t+n - t+n t+n p+n h+n
ㄷ(d) k+d n+d t+t - l+d m+d p+d - t+t t+t ng+d t+t - t+t k+d t+t p+d h+t
ㄹ(r) g+n l+l - l+l m+n m+n - - ng+n - r
ㅁ(m) g+m n+m t+m - l+m m+m m+m - t+m - ng+m t+m - t+m k+d t+m p+m h+m
ㅂ(b) g+b - p+p - t+b - -
ㅅ (s) - t+ch
ㅈ(j) t+ch

Ang mga katinig ng Hangul ay maaring pagsamahin sa 11 kumpol na mga katinig na palaging lumalabas sa huling puwesto ng isang pantig. Ito ay ang mga: ㄳ, ㄵ, ㄶ, ㄺ, ㄻ, ㄼ, ㄽ, ㄾ, ㄿ, ㅀ, and ㅄ.

Mga patinig

baguhin

Ipinapakita ng talababa ang 21 mga patinig na ginagamit sa makabagong Hangul sa kaayusan ng Timog Koreanong alpabeto kasama ang mga katumbas sa Binagong Romanisasayon para sa bawat titik. Hindi magkasundo ang mga lingguwistika sa bilang ng mga ponema laban sa mga kambal-katinig sa mga patinig ng Hangul.[42]

Mga titik
Binagong Romanisasyon a ae ya yae eo e yeo ye o wa wae oe yo u wo we wi yu eu ui i
Natatanging kaso ng ㅅ(s)

sa pagbigkas

shi (hindi "si")

Talababa

baguhin
  1. /ˈhɑːnɡl/ HAHN-gool;[1] mula sa Koreano 한글, Pagbabaybay sa Koreano: [ha(ː)n.ɡɯl].
    Maaaring isulat din ang Hangul bilang Hangeul ayon sa pamantayang Romanisasyon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Hangul". Dictionary by Merriam-Webster. Merriam-Webster. Nakuha noong 15 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "알고 싶은 한글". 국립국어원. National Institute of Korean Language. Nakuha noong 4 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Kim-Renaud 1997, p. 15
  4. Dong Zhongsi (董忠司), 「台灣閩南語槪論」講授資料彙編, Taiwan Languages and Literature Society
  5. 台語文運動訪談暨史料彙編
  6. "Individual Letters of Hangeul and its Principles". National Institute of Korean Language. 2008. Nakuha noong 2017-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Taylor, Insup (1980). The Korean writing system: An alphabet? A syllabary? a logography?. pp. 67–82. doi:10.1007/978-1-4684-1068-6_5. ISBN 978-1-4684-1070-9. {{cite book}}: |journal= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Pae, Hye K. (1 Enero 2011). "Is Korean a syllabic alphabet or an alphabetic syllabary". Writing Systems Research. 3 (2): 103–115. doi:10.1093/wsr/wsr002. ISSN 1758-6801.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 "How was Hangul invented?". The Economist. 2013-10-08. Nakuha noong 2017-12-02.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Cock, Joe (2016-06-28). "A linguist explains why Korean is the best written language". Business Insider. Nakuha noong 2017-12-02.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Archived copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-07-12. Nakuha noong 2015-08-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link), p. 52
  12. "Hunminjeongeum Manuscript". Korean Cultural Heritage Administration (sa wikang Ingles). 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-12-03. Nakuha noong 2017-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Lee & Ramsey 2000, p. 13
  14. Kim-Renaud 1997, p. 2
  15. 15.0 15.1 15.2 "Different Names for Hangeul". National Institute of Korean Language. 2008. Nakuha noong 2017-12-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Hannas, Wm C. (1997). Asia's Orthographic Dilemma (sa wikang Ingles). University of Hawaii Press. p. 57. ISBN 9780824818920. Nakuha noong 20 Setyembre 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Chen, Jiangping (2016-01-18). Multilingual Access and Services for Digital Collections (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 66. ISBN 9781440839559. Nakuha noong 20 Setyembre 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Invest Korea Journal" (sa wikang Ingles). 23. Korea Trade-Investment Promotion Agency. 1 Enero 2005. Nakuha noong 20 Setyembre 2016. They later devised three different systems for writing Korean with Chinese characters: Hyangchal, Gukyeol and Idu. These systems were similar to those developed later in Japan and were probably used as models by the Japanese. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Korea Now" (sa wikang Ingles). 29. Korea Herald. 1 Hulyo 2000. Nakuha noong 20 Setyembre 2016. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 20.2 "The Background of the invention of Hangeul". National Institute of Korean Language. The National Academy of the Korean Language. 2008. Nakuha noong 2017-12-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Koerner, E. F. K.; Asher, R. E. (2014-06-28). Concise History of the Language Sciences: From the Sumerians to the Cognitivists (sa wikang Ingles). Elsevier. p. 54. ISBN 9781483297545. Nakuha noong 13 Oktubre 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Hunmin Jeongeum Haerye, postface of Jeong Inji, p. 27a, translation from Gari K. Ledyard, The Korean Language Reform of 1446, p. 258
  23. 23.0 23.1 23.2 23.3 23.4 23.5 Pratt, Rutt, Hoare, 1999. Korea: A Historical and Cultural Dictionary. Routledge.
  24. 24.0 24.1 "4. The providing process of Hangeul". The National Academy of the Korean Language. Enero 2004. Nakuha noong 2008-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Jeongeumcheong, synonymous with Eonmuncheong (정음청 正音廳, 동의어: 언문청)" (sa wikang Koreano). Nate / Encyclopedia of Korean Culture. Nakuha noong 2008-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Korea Britannica article" (sa wikang Koreano). Enc.daum.net. Nakuha noong 2012-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. WorldCat, Sangoku Tsūran Zusetsu; alternate romaji Sankoku Tsūran Zusetsu
  28. Cullen, Louis M. (2003). A History of Japan, 1582-1941: Internal and External Worlds, p. 137., p. 137, sa Google Books
  29. Vos, Ken. "Accidental acquisitions: The nineteenth-century Korean collections in the National Museum of Ethnology, Part 1," Naka-arkibo 2012-06-22 sa Wayback Machine. p. 6 (pdf p. 7); Klaproth, Julius. (1832). San kokf tsou ran to sets, ou Aperçu général des trois royaumes, pp. 19 n1., p. 19, sa Google Books
  30. Klaproth, pp. 1-168., p. 1, sa Google Books
  31. Silva, David J. (2008). "Missionary Contributions toward the Revaluation of Han'geul in Late 19th Century Korea". International Journal of the Sociology of Language. 192 (192): 57–74. CiteSeerX 10.1.1.527.8160. doi:10.1515/ijsl.2008.035.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Korean History". Korea.assembly.go.kr. Nakuha noong 2012-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Hangul 한글". The modern and contemporary history of hangul (한글의 근·현대사) (sa wikang Koreano). Daum / Britannica. Nakuha noong 2008-05-19. 1937년 7월 중일전쟁을 도발한 일본은 한민족 말살정책을 노골적으로 드러내, 1938년 4월에는 조선어과 폐지와 조선어 금지 및 일본어 상용을 강요했다.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Under the Media". Lcweb2.loc.gov. 2011-03-22. Nakuha noong 2012-04-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. The Hankyoreh. 어른 25% 한글 못써...정부대책 '까막눈' Naka-arkibo 2019-09-05 sa Wayback Machine., October 8, 2003
  36. "Linguistics Scholar Seeks to Globalize Korean Alphabet". Korea Times. 2008-10-15.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Hangeul didn't become Cia Cia's official writing". Korea Times. 2010-10-06.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Indonesian tribe to use Korean alphabet Naka-arkibo August 12, 2009, sa Wayback Machine.
  39. Si-soo, Park (2009-08-06). "Indonesian Tribe Picks Hangeul as Writing System". Korea Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Kurt Achin (29 Enero 2010). "Indonesian Tribe Learns to Write with Korean Alphabet". Voice of America. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2012. Nakuha noong 24 Pebrero 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Gov't to correct textbook on Cia Cia". Korea Times. 2012-10-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Brown, Lucien; Yeon, Jaehoon (2015). The Handbook of Korean Linguistics (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. ISBN 1118370937.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)