Christopher Leak (ipinanganak 3 Mayo 1985 sa Charlotte, North Carolina) ay isang American football quarterback para saChicago Bears ng National Football League. Noong 2006, pinangunahan niya ang Florida Gators ipang magtala ng 13-1 record, na nagtapos sa pagiging kampiyon nila para sa BCS Championship matapos ang isang 41-14 na kompetisyon laban sa Ohio State Buckeyes. Bagama't nagdekalara siya ng pagnanais na mapabilang sa 2007 NFL Draft, hindi siya napabilang sa dito, at pumirma lamang ng kontrata bilang isang free agent para sa Chicago Bears. Si Chris ay kapatid ng isa pang manlalaro ng NFL at Idependence alumni na si C.J. Leak.

Chris Leak
Kapanganakan (1985-05-03) 3 Mayo 1985 (edad 39)
Isinilang sa Charlotte, North Carolina
Taas talampakan 0 in (1.83 m)
Timbang 207 lb (94 kg)
(Mga) Posisyon Quarterback
Kolehiyo Florida
Career Highlights
Mga gantimpala 2002 Hall Trophy
2003 Pete Dawkins Trophy
(Mga) Koponan
2007present Chicago Bears

Karera sa Sekondarya

baguhin

Si Chris ay pumasok sa Independence High School sa Charlotte, NC, kung saan pinangunahan niya ang kuponan para sa tatlong magkakasunod na state championships sa ilallim ni head coach Tommy Knotts.

Karera sa Kolehiyo

baguhin

Sinimulan ni Chris ang kanyang karera sa college football sa Florida sa kanyang unang taon, at ginamit siya sa mga naunang kompetisyon, at napabilang din siya sa mga pangunahing manlalaro sa kanilang kompetisyon laban sa Kentucky. Natapos ang kanyang unang taon at nagtala siya ng record sa Southeastern Conference bilang isang freshman na 6-3 bilang isang pangunahing manlalaro na nanalo laban sa naging National Champion, and LSU at karibal, and Georgia. napangalanan si Chris bilang isa sa SEC All-Freshman Team at Freshman All-America Team ng Rivals.com.

Sa kanyang ikalawang taon, lalong humusay si Chris bilang isang quarterback, nagging isa siya sa mga hinahangaang quarterback sa college football. Siya ay kabilang sa mga pangunahing manlalaro ng Florida sa lahat ng kanilang naging mga laro, kasama ang isang di makalimutang laro laban sa South Carolina, kung saan pumantay siya sa anim na touchdown record ng Florida. Subalit, matapos ang isang nakapanlulumong talo laban sa Mississipi State at isang komprontasyon sa loob ng kampus laban sa isang fraternity house, pinakawalan ang head coach na si Ron Zook. Sa Disyembre ng taon din na iyon, pinangalanan si Urban Meyer bilang head coach at pinakilala niya ang kanyang "spread option offense". Pinakilala din si Dan Mullen bilang offensive coordinator ng kuponan. Ito ang magiging pangatlong pagpalit ng offensive coordinator para kay Leak.

Bago magsimula ang kanyang ikatlong taon, natuto si Leak ng ikatlong offensive scheme. Marami ang nag-isip na isa siya sa mga posibleng kandidato para sa Heisman Trophy. Ipinanalo ni Chris ang kanyang unang limang laro, subalit nahirapan siya sa option portion ng opensa. Si Leak ay isang "drop back passer" at hindi akma sa kanyang estilo ang "spread option offense ni coach Meyer. Bahagyang binago ni coach Meyer ang kanyang opensa upang bumagay sa estilo ni Leak matapos mahirapan ang Florida Gators sa kalagitnaan ng nasabing season. Mabuti naman ang naging resulta ng mga pagbabago at ipinanalo ng Gators ang kanilang huling dalawang laro laban sa mga premyadong katunggali noong 2005.

Bago magsimula ang kanyang huling taon, naging maugong na maaring hindi na si Leak ang magiging pangunahing quarterback para sa 2006 dahil sa pagdating ng baguhan na si Tim Tebow.[1] Napatunayang purong haka-haka lamang ang mga ito matapos ipahayag ni coach Urban Meyer na mananatiling pangunahing quarterback si Leak at back-up naman niya si Tim Tebow. Ayon sa Preseason analysis, ang schedule ng Florida Gators ang mayroong pinakamahirap na schedule sa bansa. Makakaharap nila ang Tennessee, Kentucky, Alabama, LSU, Auburm, at Georgia sa magkakasunod na linggo. TUnay na naging isang malaki at magandang pagbabago ang 2006 season para kay Chris Leak. Pinangunahan niya ang Florida Gators sa ina nilang SEC Championship mula pa nung 2000, at puwesto sa 2007 BCS National Championship Game laban sa Ohio State University ito ang una nilang paglahok sa isang kampeonato mula noong 1996. Marami rin siyang inalpasang passing records na ginawa ng Heisman Trophy winner na si Danny Wuerfel.

Pinangunahan din ni Leak ang Florida Gators sa kanilang ikalawang National Championship, 41-14, laban sa Ohio State noong ikawalo ng Enero, 2007, at ginawaran siya offensive MVP award para sa naturang laro. Solido ang ipinakitang laro ni Leak sa naturang kompetisyon, at kinompleto niya ang unang siyam na pasa sa simula ng laro. Sa kanyang huling laro, kinumpleto ni Leak ang 25 sa 36 na mga pasa na may katumbas na 213 yards at isang touchdown—upang siguraduhin ang panalo ng University of Florida laban sa Ohio State.

Nagtapos si Chris Leak noong taglagas ng 2006 sa University of Florida sa kursong sosyolohiya mula sa COllege of Liberal Arts ans Sciences ng naturang pamantasan. Isa siya sa mga huling pinagpilian para sa Draddy trophy, na kilala din bilang Academic Heisman para sa mga manlalaro sa kolehiyo. Siya ang keynote speaker para sa Seremonya ng pagtatapos, isang parangal na ginagawad lamang sa ilang piling mag-aaral dahil sa kanilang kahanga-hangang mga nagawa habang nasa kolehiyo.

Si Leak ay kabilang sa SEC Academic Honor Roll sa bawat semester niya sa University of Florida. Ayon sa kanyang mga guro, si Leak ay isang masipag at mabaut na mag-aaral na mayroong kakaibang kakayahan na mamuno sa pamamagitan ng pagpapakita ng magandang ehemplo. Pareho din ang pagkakakilala sa kanya ng mga kasama sa kuponan at inihalal siya bilang kapitan, tatlo sa apat na taon niyang paglalaro para sa Gators.

Pag hindi siya namumuno sa football, si Leak ay isang volunteer para sa Goodwill Gators Program para sa kabataan, at hinihikayat niya ang mga ito na unahin ang pag-aaral at umiwas sa mga ipinagbabawal na gamot kung nais nilang umasenso. Sa Charlotte, North Carolina, siya rin ay katuwang ng Boys and Girls Club at ng Steele Creek YOuth Athletic Association. Nagsilbi din siya bilang isang inspirational speaker para sa Fellowship of Christian Athletes, kung saan hinikayat niya ang mga kabataan na panatilihin ang determinasyon para abutin ang kanilang mga pangarap.

Professional career

baguhin

Si Leak ay hindi napili noong 2007 NFL Draft. Ganun pa man, pumirma pa din siya ng kontrata bilang isang undrafted free agent para sa Chicago Bears matapos and 2007 Draft.[2] Si Leak ay tinuruan, at sa kalaunan, ay naging kakompetensiya ni Rex Grossman, na siya ring sinundan niya noong naglalaro pa siya para sa Gators.[3]

References

baguhin
baguhin
Sinundan:
Rex Grossman
Florida Gators Starting Quarterback
2003-2006
Susunod:
Tim Tebow

Padron:FloridaGatorsQuarterback